Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 29, 2008

Jon Avila lists love life as only his "fourth priority"


Jon Avila lists love life as only his "fourth priority"

Jon Avila lists love life as only his "fourth priority"

Mixed emotions ang model turned actor na si Jon Avila sa pagtatapos ng first starring role niya sa telebisyon bilang superhero na si Kapitan Boom ng ABS-CBN. Mapapanood na sa Sabado, August 2, ang huling episode ng Kapitan Boom, na agad namang papalitan ng Varga na pagbibidahan ni Mariel Rodriguez.

"I'm not feeling sad. I just feel na I'm glad to experience being a superhero. Para sa akin, hindi trabaho ‘yon. It's ano, more of an experience and learning experience as an actor. ‘Tsaka I'm excited for the viewers to see the last episode sa August 2," lahad ni John sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Mami-miss ba niya si Kapitan Boom?

"Yeah, well, it's an end of an era. Kumbaga, I‘m sure na may viewers would want to see Kapitan Boom again," ani Jon.

Ano ang nagawa sa kanya ng Kapitan Boom?

"It changed me, it made me realize na what's important as an artist of ABS-CBN, that relationships with yung mga cast is important. Working relationship is very important and kailangan professional ka. I enjoyed taping very much. So, I'm glad I could invest in relationships with mga artists, mga ganun, mga production staff."

Nararamdaman ni Jon na muli siyang gaganap bilang si Kapitan Boom sa ABS-CBN. May balita rin kasi na magkakaroon ng programa kung saan pagsasamahin si Kapitan Boom at si Varga.

"Well, tingnan natin. Pero maganda yung ideya na ‘yon. Okey ‘yon."

JON HAS MOVED ON. Gusto rin daw niya na makatrabaho si Mariel na niligawan niya dati at nakasama niya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition. Pero bukod kay Mariel, malamang kasama rin sa show na pagsasamahan nila ang nababalitang boyfriend ng TV host-actress na si Zanjoe Marudo. Okey lang ba siya na magkasama silang tatlo?

"Ah, maybe. Okey lang sa akin. Oo naman."

May maramdaman kaya siyang kirot kapag nakasama niya sina Mariel at Zanjoe?

"Ah, wala na, wala na. Tapos na ‘yon. I'm happy they're happy."

Madali ba siyang naka-move on sa feelings niya for Mariel dati?

"Yes, oh, yeah. It was nice while it lasted. So, we all moved on, all of us."

What about him? May girlfriend na ba siya ngayon?

"Wala, trabaho lang ang priority ko. My love life siguro is may pang-apat na priority sa buhay ko. Una, trabaho. Second, would be my family. Third, would be my money, and fourth would be my love life."

Saan niya dinadala ang pera niya?

"How do I spend my money? I spend most of my money on my health. I go to the gym and keeping fit. So, health is wealth."

LIFE AFTER KAPITAN BOOM. Ano ang gagawin niya ngayon pagkatapos ng Kapitan Boom?

"Gagawa ako ng ng movie with Rufa Me Qunto sa Viva. ‘Tapos I'm hosting Shall We Dance with Lucy [Torres-Gomez] on TV5, kasama rin si Victor Basa."

How does it feel na host na siya at kasama pa niya si Lucy?

"It was great. I feel I'm being pushed to the top and it's a great honor to be beside them or even in the same sentences with Lucy Gomez. It's really, really nice."

Is this the first time na magho-host siya ng show?

"Yes, so it's also gonna be something na I can learn."

Happy ba siya na lumalawak na ang range niya as an artist?

"Yeah, definitely. I've always noticed the improvement in my life by hosting already."

Nakailang taping na siya para sa Shall We Dance?

"Isa pa lang. Pero one season kami. I will be leaving with the Coverboys. We'll be having shows in the States. Pagbalik, taping ulit ng Shall We Dance. It's very exciting, Lucy's very nice."

Ano ang naging first impression niya the first time na nagkasama sila ni Lucy sa show?

"Medyo starstruck ako. Just being friendly. We're just friendly as co-host, as host."

Nakapag-umpisa na rin si Jon ng kanyang ikatlong movie, ang Single. This time, he is being paired with Rufa Mae Quinto.

"My first movie was an independent film titled Nars. Second was When Love Begins. This is my third at mas malaki. My role here is para siyang geek. I like it. It will improve my versatility as an actor. May stalker ako, may mga mannerisms na hindi, well, I don't have. It's totally different from my character."

Excited ba siya na makatrabaho naman sa pelikula si Rufa Mae?

"Yes, I mean, nag-shooting kami. First shooting day namin. She's nice to work with. Nakakatuwa siya. I'm really looking forward to the next shooting. Masaya and crush ko si Rufa since when I first arrived three years ago," ngiti ni Jon.



Source: PEP

No comments: