Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 15, 2008

Jolina Magdangal on Gabby Concepcion: "I feel sorry for him..."


Jolina Magdangal on Gabby Concepcion: "I feel sorry for him..."


Parehong naka-black sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin nang dumalo sa presscon ng Dear Friend ng GMA-7 last Monday, July 14. Tinanong silang dalawa ng PEP (Philippine Entertartainment Portal) kung nag-usap ba sila ang kanilang isusuot.

Jolina Magdangal on Gabby Concepcion: "I feel sorry for him..."

"Hindi" ang sagot ni Jolina. Kaya raw siya naka-formal black dress ay may pinanggalingan siyangg affair.

Si Marvin naman, consistent na laging naka-blazer kapag uma-attend ng presscon na, in fairness, bumagay sa formal venue ng Mandarin Oriental Suites sa Gateway Mall sa Cubao, Quezon City.

Sinang-ayunan ni Jolina ang sinabi ni Marvin na wala silang script na sinusunod sa Dear Friend dahil hindi maganda kung scripted ang ibibigay nilang advice sa featured story mula sa isang letter sender.

"Hindi kami ni Marvin yun ‘pag sumusunod kami sa script at kung pipigilan kami ng sasabihin," saad ni Jolina. "Gaya ni Marvin, wala rin akong hesitation na tanggapin ito nang i-offer sa akin dahil kakaiba ang format and real problems ang ita-tackle. Happy ako na sa amin ito ibinigay. Ngayon nga lang, nagdidiskusyon na kami, ibang klase ito. Kaya nang i-offer, umoo agad ako."

So, handa na siyang maging bagong Helen Vela ng GMA-7? Sa mga hindi nakakaalam, ang yumaong si Helen Vela ay may programa noon sa GMA-7 na pinamagatang Lovingly Yours, Helen kung saan itinatampok din ang mga liham mula sa mga ordinaryong tao at ginagawan ng drama.

"Why not!" natatawang sagot ni Jolina.

BEBONG IS NOT JEALOUS OF MARVIN. Hindi ba magseselos ang boyfriend ni Jolina na si Bebong Muñoz na laging si Marvin ang kasama niya? May TV show na kasi sila, may movie pa dahil kasama rin si Marvin sa I.T.A.L.Y. ng GMA Films.

"Hindi magseselos yun," sabi ni Jolina. "Enjoy nga siyang panoorin kami, fan daw namin siya ni Marvin. Bago niya ako nakilala, gusto na niya ang movie namin [ni Marvin] na shoot in Baguio. Supportive siya pagdating kay Marvin. Dati, noong nasa States pa siya at ‘pag may nababasa siya sa Abante, sa Internet, na malungkot si Marvin, tatawag sa akin, i-text ko raw si Marvin. Wala nang selos-selos sa amin, seven years na kami.

"Yung movie naman, yung pagpasok ni Marvin sa I.T.A.L.Y., secret dapat yun. Bakit ninyo nalaman? Bawal pang sabihin ang role niya," nagtatakang sabi ng singer/actress/TV host.

Sa tingin niya, may part si Marvin sa wedding nila ni Bebong?

"Bakit hindi? Ang tagal din naming magkatrabaho at magkaibigan at naging part namin ang isa't isa sa showbiz."

BEBONG HAS NOT YET PROPOSED TO HER. Speaking of weddings, nag-propose na si Ryan Agoncillo sa kaibigan ni Jolina na si Judy Ann Santos at malapit nang ikasal. Sila ni Bebong, kailan ang planong magpakasal?

"Sabi ko nga, choice nina Juday at Ryan yun and I'm happy for them. Si Bebong, hindi pa nagpo-propose. Alangan namang ako ang mag-propose? Mas maganda kung masu-surprise ako."

Posible bang magkaroon ng double wedding, as in sabay ang kasal nila ni Bebong sa kasal nina Judy Ann at Ryan?

"Huwag naman!" tawa ni Jolina. "Kanya-kanyang moment na lang. Moment nila ni Kuya Rye ang wedding nila, may moment naman kami ni Papa B. Minsan lang ikasal ang isang tao, bakit naman pagsasabayin? Bata pa kami, masyado na kaming pinagbabangay. Pati ba naman sa personal, pagbabangayan pa kami?"

DISAPPOINTED AT "PINOY IDOL" RESULTS. Napag-usapan din ng PEP at ni Jolina ang Pinoy Idol. Inamin niya na disappointed ang Pinoy Idol judge sa resulta ng text votes. May mga sumusunod daw sa paalala nila nina Ogie Alcasid at Wyngard Tracy to vote wisely, pero karamihan daw ay pasaway at hindi marunong bumoto. Basta't kamag-anak at kaibigan, yun pa rin ang ibinoboto kahit hindi masyadong magaling.

"Nalulungkot ako at nasasayangan ‘pag may magaling na nae-eliminate. Sayang na sayang ako kay Robby Navarro. Kayo ba nalungkot din?" tanong niya.

"Laging maganda ang comment sa kanya [Robby]," patuloy ni Jolina, "pero dahil mababa ang text votes, naalis siya. Hiningi sana namin fifty-fifty, hati ang votes from text votes at judges votes, pero may sinusunod na rule sa Fremantle bible. Kahit ano ang sabihin namin, ang tao pa rin ang nasusunod."

JOLENS ON GABO. Akala namin ay matatapos ang interview kay Jolina ng ganun lang, pero nag-iba ang mood ng kuwentuhan nang may magbanggit na hindi raw siya kilala ni Gabby Concepcion as "Jolens," na palayaw ng multi-media star

Automatic ang reaction ni Jolina na: "I feel sorry for him, na-pull out yata ang Lucida [whitening product na ini-endorse ng actor] sa market. Based lang sa napanood ko sa TV ang sinasabi ko, ha!"

Akala raw kasi ni Gabby si Jobert Sucaldito ang tinatanong sa kanya. Sabi naman ni Jolina, malayo ang pangalan niya kay Joebert.

Anyway, payag pa rin ba siyang makatrabaho si Gabby?

"Sa ngayon, hindi ko muna iniisip hangga't hindi palabas ang I.T.A.L.Y.," sagot ni Jolina.

Ano ang dapat gawin ni Gabby para mapatawad niya sa ginawang pagba-backout sa movie nila?

"Ewan ko, wala akong maisip, hindi ko naisip. Sa ngayon talaga, wala siya sa scheme of things ko, wala siya sa subconsious mind ko."

Kung susulat si Gabby sa Dear Friend, ano ang ma-a-advice niya?

"Bigyan niya ng time ang dad niya dahil sabi niya, ang daddy niya ang rason kung bakit siya umuwi. Mag-effort siyang bigyan ito ng time, love, and everything."

Nang sabihin ng PEP na first time siyang nagtaray, pinakinggan ni Jolina sa tape recorder ang sagot niya sa Gabby issue at wala siyang nakitang pagtataray. May binago lang siyang konting salita sa structure ng sentence na sagot niya, pero hindi nito binawi ang kanyang sinabi.


Source: PEP

No comments: