Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 9, 2008

JOLINA MAGDANGAL AT MARVIN AGUSTIN LAOS NA, JENNYLYN MERCADO AT MARK HERRAS, PUWEDE PA

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

JOLINA MAGDANGAL AT MARVIN AGUSTIN LAOS NA, JENNYLYN MERCADO AT MARK HERRAS, PUWEDE PA















MAY bagong show daw na pagsasamahan sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa GMA-7. May magic pa ba ang dalawa? Na-miss ba ng fans ang pagsasama nila?

Ang dapat ibalik ng GMA na may asim pa at mukhang gusto ng tao ay ang tambalang Mark Herras at Jennylyn Mercado. Puwedeng gawin 'yan pagkapanganak ni Jen.

Mukhang may patutunguhan pa ang love team na ito dahil sabi nga ni Manay Lolit Solis sa Startalk, mahal pa rin ni Mark si Jen. May kilig pa talaga.

Anyway, may paglilinaw si Mark. Hindi naman daw niya sinabi na babantayan niya sa ospital si Jen 'pag nanganak ito. Ang sinabi lang niya ay dadalaw siya at pupuntahan ito.

"Pupunta lang po ako roon para sumoporta, pero magbantay...hindi po. Iba po ang bantay sa susuporta," deklara niya.

Anytime raw na may kailangan si Jen at kaya naman niyang ibigay ay bukas ang palad niya.

Talbog!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: