Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 21, 2008

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Awayang Angel Locsin at Claudine Baretto Pinalalaki Lang Nang Mga Kritiko!



Masyado na ngang eksaherado ang istorya sa di umanoy awayan nang dalawang kapamilya star na si Angel Locsin at Claudine Baretto. Madami na ngang mga manunulat ang gumagawa nang kanikanilang beryon nang kwento na animoy sila ang nandun. Kanya kanyang source na hindi naman magawang pangalan. Isa lang ang sigurado. Ang totoo ay tanging sa Claudine at Angel lang ang may alam. At yung mga nagsusulat nang mga ito, ay nakikisakay lang, para may maisulat. Dyos ko naman! Ibat iba ang mga storya na lumalabas. Kung paniniwalaan mo lahat, eh masisiraan ka tiyak nang bait. Sasakit ang ulo mo sa kakaiisip na pano nangyari ang mga yun??? Eh hindi magkakatugma ang kwento nang mga manunulat na sumulat? Possible ba yun lahat na mangyari nang sabay sabay, sa sabay na oras at pangyayari.


Ang sa amin lang sa kapwa manunulat, wag tayong mag imbento nang kwento para lamang may maisulat. Kung sina sa inyo ang nagsasabi nang totoo at hindi, malalaman din sa bandang huli. At inyong mga kredibilidad ang masisira, pag napatunayang hindi totoo ang inyong naisulat. Maging mapanuri mga tagasubaybay. Wag hayaang maimpluwensyahan kayo, base lamang sa inyong nababasa.


At para sa mga fans nang dalwa sa pinakamalaking bituin, hindi lamang nang ABS-CBN, bagkos nang buong industriya nang showbiz. Wag kayong mag away, na parang magpapatayan. Maging malawak ang pagiisip. Wag makisili sa gulo nang inyong hinahangaan. Kaya hindi umaasenso ang bansa natin, ay dahil sa makitid na paguutak nating mga pilipino. Yun lang! Mag reak ang gustong mag reak!

No comments: