Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 15, 2008

John Lloyd: Nang sumikat, iniwan sa ere ang dating manager?!

John Lloyd: Nang sumikat, iniwan sa ere ang dating manager?!
Written by Melchor Bautista

NAGULAT naman kami kamakailan sa presscon para sa mga endorsers ng sikat na brand ng sapatos, ang Mario D’ Boro na sina Angelica Panganiban at Dingdong Dantes. Hindi ang Reggie Bonoan na inaasahan naming nag-text ang sumalubong sa amin, kundi ang dating talent manager at kaibigan din pala naming matagal nang nawawala, na si Mr. Reggie Picayo. Siya ‘yung nakadiskubre at unang talent manager ni John Lloyd Cruz na laging ipinagsisigawan at pinasasalamatan ng guwapong actor kapag naaalaala niya, na si Picayo ang dahilan kung bakit nabuksan ang pintuan ng showbiz para sa kanya at bumago sa takbo ng kanyang buhay, at ipinagmamalaki rin niya na naging simula ng kanyang pag-asenso bilang movie actor.


Laging kulang ang oras namin ni Reggie para magkausap, kaya hindi na namin maitanong kung bakit dalawang beses nang sa telebisyon, nagsasalita si John Lloyd ng: “Reggie, kung nasaan ka man ngayon… maraming, maraming salamat!”


Parang napakalaki ng showbiz at hindi sila magtagpo para harap-harapang sabihin ni John Lloyd kay Reggie ang salitang: “Maraming-maraming salamat!” Iniisip tuloy namin, na hindi maganda ang kanilang naging paghihiwalay bilang artistang nagsisimula noon at isang simpleng talent manager na naghahangad na makapagpasikat ng isang talent na masasabing sumikat iyon dahil siya ang naging simula.


Nung papasok na kami sa Annabel’s at matanawan kami ni Reggie, nakangiti siya sa amin, at ang sabi: “Melchor, baka naman ibigay mo kay John Lloyd ang cellphone number ko?” Nagtataka kami, at sa loob-loob namin ay: “Why not?” Para magkabalitaan silang dalawa. Hindi ‘yung sa TV ipinararating ng bidang actor ng A Very Special Love ng Star Cinema ang kanyang mga pasasalamat, ‘di ba?


In fairness kay Reggie, nakakatuwa siya nu’ng nagsisimula pa lamang sumikat si John Lloyd. Hindi pa noon uso ang cellphone, pager pa lang ang uso. Hindi kami kilala ni Cruz sa mukha, pero nakakatanggap kami ng message noon sa pager namin, mula sa bagets pa lang na actor noon, at ang mensahe: “Kuya Melchor, maraming salamat po sa mga sinusulat n’yo tungkol sa akin.” Na alam naming kaya may ganung mensahe ay dahil ganun gusto ni Picayo na mapalapit sa mga press people ang dating ka-loveteam ni Bea Alonzo.


Hindi naman kami KSP (Kulang Sa Pansin) pagdating sa atensiyon ng mga artista sa mga manunulat. Pero si John Lloyd, hindi niya kami kilala sa pangalan, pero binabati naman niya kami kapag nakikita niya kami. Okey na ‘yon. Magalang at masarap din siyang i-ambush interview. Mapagmahal siya sa press, kaya iniisip naming iyon ang una niyang natutunan sa
Nung papauwi na kami pagkatapos ng ipina-presscon ni Reggie na Mario D’ Boro, muli na naman niya kaming binigyan ng warning nang magpaalam na kami sa kanya. “Huwag na huwag mong ibibigay ang number ko kay John Lloyd,” sabi niya.


Nararamdaman na namin: Tila malungkot at mayroong naging problema sa naging paghihiwalay ng landas nina Reggie at John Lloyd. Nasa tono ng pananalita ni Picayo, na ayaw na niyang balikan pa ang mga alaalang iyon ng pagsisimula ng kanyang pag-aalaga sa movie career ng magaling na actor. Uso naman sa showbiz ‘yung mga baguhang artista, na kapag sumisikat na at mayroong mga lumapit na mas sikat na talent manager, doon sila lumilipat at iniiwan sa ere ang talent manager na unang tumulong sa kanya. Iniwan ba ni Cruz sa ganu’ng sitwasyon si Picayo, kaya kahit nakakatuwa ang kanyang mga sinasabi at pagtanaw sa alaala ng kanyang utang na loob, ayaw nang makipag-usap at makipagkita sa kanya ang dati niyang talent manager. Nakapagtataka.
Ano ba talaga, John Lloyd Cruz?



Source: Pionoy Parazzi

No comments: