Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 28, 2008

John Lloyd hindi na magrerenew ng kontrata sa Bench

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

John Lloyd hindi na magrerenew ng kontrata sa Bench

WALANG balak mag-renew ng kontrata si John Lloyd Cruz sa Bench kaya hindi na siya rumampa sa katatapos Bench event na Blackout.

Pero hindi nawawalan ng pag-asa ang Bench.

Balita namin ay humingi ng personal meeting si Mr. Ben Chan (may-ari ng Bench) kay John Lloyd para mapag-usapan kung ano ang problema ni John Lloyd sa Bench. Balita namin ay sa linggong ito mag-uusap ang dalawa. Alam ng Bench na walang John Lloyd na rarampa noong Biyernes.

Besides may shooting si John Lloyd sa araw na iyon para sa pelikula nila ni Sarah Geronimo na A Very Special Love na malapit nang ipalabas.

JOE BARRAMEDA
Abante Tonite

No comments: