Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 30, 2008

John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo tandem spells magic in "A Very Special Love" premiere

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo tandem spells magic in "A Very Special Love" premiere

John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo tandem spells magic in "A Very Special Love" premiere

Kung pagbabasehan ang reaction ng mga taong nanood sa premiere night ng A Very Special Love kagabi, July 29, sa SM Megamall Cinema 9 and 10, malaki ang posibilidad na meron na namang another hit in the making ang Star Cinema in the tradition of One More Chance and its other blockbuster movies. A Very Special Love stars John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo.

Wala yatang hindi tumawa nang husto, celebrities and non-celebrities alike, sa halos karamihan ng mga eksena sa movie. But then, towards the end, the movie did not fail to make audience teary-eyed and even shed some tears dahil sa ilang touching moments between John Lloyd Cruz and his dad, played by Dante Rivero, gayundin sa scene ni Sarah with her family. Yun nga lang, may dialogue sa movie that reminds us of one scene in When Love Begins kung saan si Ronaldo Valdez naman ang gumanap na father ni Aga Muhlach.

Siguradong bukod sa "sun dance" ni Sarah, another line na naman sa movie na ito ang makaka-relate ang mga manonood. Ito ay ang "Hindi ka naman nakakapagod mahalin," na dialogue ni Sarah kay John Lloyd.

Kapansin-pansin din ang comic timing ni Sarah and John Lloyd never looked so handsome on screen dito sa A Very Special Love. Kung noon ay sinasabing hindi magki-click ang pelikula dahil walang chemistry ang dalawang bida, siguradong ngayon ay magbabago ang kanilang pananaw dahil sa kakaibang magic na dala ng tambalan nina John Lloyd at Sarah.

Mistulang naging concert din ang premiere night dahil literally ay kumanta rin ang mga nanood at may beat pa ng palakpak especially sa theme song ng movie na inawit ni Sarah. Maging yung scene sa binyag ng anak ni Joross Gamboa ay nagkaroon din sila ng singing session.

Todo rin ang suportang ipinagkaloob ng mga Kapamilya stars sa bagong tambalan na ito nina John Lloyd at Sarah. Ilan sa mga nanood ng premiere night ay ang mga co-champions ni Sarah na sina Erik Santos, Rachel Ann Go, at Christian Bautista na magkakasabay dumating. Sumunod naman sa kanila si Mark Bautista.

Nagulat din ang marami sa pagdating nang sabay ng rumored sweethearts na sina Luis Manzano at Angel Locsin.

Kapansin-pansin na present ang halos buong cast ng One More Chance, John Lloyd's movie with Bea Alonzo; tulad nina Bea Saw, Janus del Prado, Dimples Romana, at Maja Salvador.

Namataan din namin ang magkaibigan na sina Jodi Sta. Maria at Kaye Abad, na co-stars ni John lloyd sa dating teen show Tabing Ilog.

Dumating din ang ABS-CBN President na si Ms. Charo Santos-Concio kasama si Ms. Cory Vidanes at tinapos talaga nila ang pelikula; gayundin ang Viva Films big boss na si Mr. Vic del Rosario.

In fairness, napakaraming tao kagabi sa Megamall. As early as 5 p.m.pa lamang ay napakarami nang nag-aabang at nakapila sa labas ng sinehan. Kahit na dalawang sinehan ang pinaglabasan ng premiere, umaapaw sa tao ang parehong sinehan.

Naniniwala kaming walang umuwi na hindi nakangiti after watching the movie dahil sa feel-good na dulot ng pelikulang idinirek ni Cathy Garcia-Molina. Although may ilang mga eksena sa pelikula na may kaunting similarities sa past films ni Direk Cathy, especially the confrontation of John Lloyd and Sarah under the rain.

Pero walang-duda, ang kabuuan ng A Very Special Love will leave everyone smiling and the feeling of how wonderful it is to feel love and be loved.

Bukod sa magandang outcome at reaction ng mga nakapanood ng premiere last night, nabigyan din ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang A Very Special Love.

Nagkaroon naman ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na mahingan ng reaction si John Lloyd after their premiere. Bakas na bakas sa mukha nila ni Sarah ang nag-uumapaw na kaligayahan sa napakagandang response ng mga tao sa kanilang pelikula.

"I couldn't be happier! "Thank you! Thank you!" naiiling at maluha-luhang pahayag ni John Lloyd.

Ano naman ang reaksiyon niya sa sa pagbibigay ng CEB ng grade na "A" sa A Very Special Love?

"Alam n'yo, masayang-masaya ko. Bago pa ako pumasok sa sinehan, nalaman namin na Grade A, so nakasabay pa sa reaction ng mga nanood. Wow, talagang sobrang happy! Hindi ko ma-explain," aniya.

Inamin ni John Lloyd na pati siya ay napaiyak sa kanilang pelikula.

"Na-touch ako, e. Yung scene ni Sarah with her family, that was very touching. Sobrang happy ako for Sarah, ang galing-galing niya!" pagtatapos ni John Lloyd.



Source: PEP

No comments: