Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 21, 2008

John Lloyd Cruz dubbed as "The Billion Peso Man" by a pain reliever brand


John Lloyd Cruz dubbed as "The Billion Peso Man" by a pain reliever brand


John Lloyd Cruz dubbed as "The Billion Peso Man" by a pain reliever brand

By this time ay nakabalik na si John Lloyd Cruz ng Pilipinas galing Japan kung saan naimbitahan siya ng TFC (The Filipino Channel) na mag-show. Pagbalik ay sumalang na agad ulit si John Lloyd sa ilang natitirang eksena niya sa movie nila ni Sarah Geronimo na A Very Special Love ng Star Cinema at Viva Films.

THE BILLION PESO MAN. Kamakailan ay lumabas sa isang survey na number one sa sales among other leading brands ang shampoo na ini-endorse niya kasama sina Bea Alonzo at Piolo Pascual. Tuwang-tuwa rin daw ang kumpanya ng Biogesic dahil na-reach nila ang target sales nila na one-billion this year. Kaya tuloy tinawag nilang "Billion Peso Man" si John Lloyd ayon na rin sa marketing agent na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Patunay lang na hindi lang Box Office King sa sinehan at top-rater sa telebisyon si John Lloyd, kundi tinatangkilik pa ng publiko pati na mga produktong ini-endorse niya.

"Sana," umpisa ni John Lloyd nang makausap na ng PEP. "Lahat naman siguro ng artista yun ang wini-wish, e. Ah, kasi pampalaki rin ng market yun, e. I mean, maganda siyang sukatan ng kung gaano kalawak ang range ng market mo, meron ka talagang buying market."

CHOOSING ENDORSEMENTS. Nabalitaan din namin na unang inalok kay John Lloyd as endorser ang dalawang produkto ng alak bago nagpunta ito isa kay DINGDONG DANTES. Tinanggihan nina John Lloyd ang endorsement dahil sa ilang mga dahilan.

"Hindi porke may dumadating, tinatanggap. Meron ding sinasala, lalo na ngayon."

Ano ba ang requirement niya para tumanggap ng isang product endorsement?

"Dapat talaga yung pinapaniwalaan mo yung ini-endorse mo, ikaw mismo tinatangkilik mo talaga. Kasi kung hindi, mahihirapan kang ibenta yung produkto or magsa-suffer yung credibility mo. Sabihin mo gusto mo siya, hindi mo naman pala ginagamit. Hindi naman kailangan yung todo-todo na parang gustung-gusto mo, o mahal na mahal mo yung produkto but at a certain extent you have to own it. You have to own the product in able for you to sell it."

WEIGHING OPTIONS . So, okey din ba siya na mag-endorse ng alak?

"Medyo...kasi may mga kapalit din, e. Ah, iba't ibang endorsement may kanya-kanyang kapalit lalo na ‘pag kagaya ng mga alak."

Hindi ba medyo delikado sa kanya ang mag-endorse ng alak?

"Hindi naman siya dangerous. Ngayon kasi tingin ko mas malawak na ang pang-unawa ngayon ng tao pagdating sa endorsement, e. Ah, pero siyempre kailangan mo pa ring alagaan ang kapakanan nung ibang ini-endorse mo.

"Pero siyempre endorsement ‘yan. Imposibleng hindi mo i-entertain. Ie-entertain mo siya in a way na sobrang na-weight ko na lahat ng options. Minsan magbibigay ka ng deal sa kanila na medyo, kailangan mong ingatan kung...malulugi ka ba dahil particularly ang liquor may maaapaketuhan na ibang endorsement.

"Meron sigurong isang brand na gusto ka ngayon pero kapag nagkaroon ka ng liquor endorsement, baka mag-isip na sila sa pagkuha sa 'yo kasi ganun talaga, e. May mga kapalit. Yun ang sinasabi kong kapalit. So, kung ganun na kailangan mong magbigay ng kontrata or ng deal sa kanila na medyo, walang iwanan at saka yung medyo, in simple words, yung medyo mataas.

"Mas malawak na ang pang-unawa ng mga tao ngayon at yun naman ay katotohanan na lang. At hindi naman porke nag-endorse ka ng alak o beer, lasinggero ka na rin. Mahirap lang kasi siya, kasi may mga kabataan. Kasi paano mo ie-encourage ang mga kabataan na iniidolo ka rin, ‘pag nakita ka nila na nag-e-endorse ng beer? E, ‘yun nga medyo nakakatakot din," tapos ni John Lloyd.




Source: PEP

No comments: