Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, July 20, 2008

John Lloyd Cruz describes "A Very Special Love" leading lady Sarah Geronimo as "virginal" " pure and true"

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News


John Lloyd Cruz describes "A Very Special Love" leading lady Sarah Geronimo as "virginal" " pure and true"
John Lloyd Cruz describes "A Very Special Love" leading lady Sarah Geronimo as "virginal" " pure and true"

Humarap sa entertainment press ng Cebu City ang aktor na si John Lloyd Cruz kasama ang leading lady niya na si Sarah Geronimo bago pumunta ng SM Cebu City para sa mall tour ng movie nila na A Very Special Love ng Star Cinema Productions at Viva Films. Dito tinanong si John Lloyd kung ano ang ibibigay niyang birthday gift kay Sarah na magse-celebrate ng birthday nito on July 25.

"Kasi nag-birthday din ako, wala rin siyang binigay kaya patas na," biro ni John Lloyd habang nakikinig naman sa kanya ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Of course, ano magkakaroon siya ng something from me. Kung anuman ‘yon, siya lang ang makakaalam," dagdag pa ni John Lloyd.

VERY VIRGINAL SARAH. Hindi rin naiwasang itanong kay John Lloyd ng Cebu press kung ano ang kaibahan ni Sarah sa dati na niyang ka-love team na si Bea Alonzo.

"Si Sarah, very oblivious sa mundo. Hindi naman naïve. Yung outlook niya kasi sa buhay very virginal," biglang naputol na sabi ni John Lloyd dahil sa naging reaksyon ng press.

"Hindi. Totoo naman," ngiti niya.

"Yung intentions niya are pure and true. That's what I mean. No malice. Ganun siya. kakaiba na sa panahon ngayon. Walang ganun katulad niya. It's refreshing lang na makakilala ng taong tulad niya sa panahong ito."

JOHN LLOYD'S FAVORITE LINE. Pinapili rin si John Lloyd ng linya sa theme song ng movie nila na A Very Special Love na puwede niyang i-dedicate para kay Sarah.

"I'd say the same lines for her, yung ‘You're not like the rest, I know you're the best.' ‘Tsaka yung ‘squeezing me tighter," may pagkapilyong sagot ni John Lloyd.

"Yun naman yun, e. Isa sa pinaka-strongest point ng teamup namin. Kaya mo siya magugustuhan, dahil sa istorya ng movie namin."

CONTINUOUS FRIENDSHIP. Nag-last shooting day na magkasama sina John Lloyd at Sarah for their first team-up sa big screen last Friday morning bago lumipad papuntang Cebu. Pagkatapos ay pupunta si John Lloyd sa Japan for a show. Habang si Sarah ay ipagpapatuloy ang shooting sa ilang natitirang eksena niya.

Hahanap-hanapin kaya ni John Lloyd ang pagtatrabaho niya with Sarah?

"Ah, it's one of these gifts na madadala mo. Kahit tapos na yung movie, magpapatuloy yung friendship. It had become a very special tandem. I'm hoping na kahit tapos na yung movie, magpapatuloy ang friendship namin. Siguro hindi na maiiba yung treatment o relationship namin ni Sarah. At sana, anything that is good will last."

ACTING LESSONS ABROAD. After ng movie niya with Sarah, ipagpapatuloy ba ni John Lloyd ang dream niya na mag-aral ng acting sa ibang bansa?

"Sana mabigyan ng chance na if not this year sana mangyari next year. In life you can never learn too much. You're still in the process of learning. So, yung interes mo na matuto sa buhay ‘pag tinitigil mo parang tumigil din yung interes mo sa trabaho. Feeling ko lang nakakabobo kung lagi kang ganu'n ulit. Gusto ko sa susunod na project ko well-equipped ako. So, I want to try that and I want to have a different approach sa craft ko," tapos ni John Lloyd.



Source: PEP

No comments: