Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 28, 2008

Jiro Manio renews contract with ABS-CBN

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Jiro Manio renews contract with ABS-CBN

NAG-RENEW ng kontrata si Jiro Manio sa ABS-CBN 2 Star Magic sa kabila ng hindi na siya rito gaanong nabibigyan ng importansiya.

Hanggang ngayon nga kasi ay wala pang regular show si Jiro sa Kapamilya network.

Loyal naman kasi sa ABS-CBN ang young actor. Marunong siyang tumanaw ng utang na loob.

Alam niya naman na kung hindi rin sa Dos ay hindi siya makikilala at magkakaroon ng acting awards.

Kaya nga hindi siya tumutulad sa ibang talents ng Dos na nag-ober da bakod sa GMA 7 nang mapansin nilang pinababayaan na sila ng nasabing istasyon.

Wala mang regular show ngayon si Jiro ay hindi naman siya nababakante sa paggawa ng pelikula. Pagkatapos siyang mapanood sa Bahay Kubo ng Regal Films, heto’t busy siya ulit sa shooting ng Ang Tanging Ina N’yo na pinagbibidahan ni Ai Ai delas Alas kung saan ay gumaganap siya rito bilang anak ng komedyana.

No comments: