PINAAABANGAN namin sa mga nagpahayag ng kanilang reaksiyon ang panayam ni Kuya Rickly Lo kina Kris Aquino at James Yap ngayong darating na Martes sa The Rickly Lo Exclusives.

Lubhang nakakaalarma ang mga negatibong pahayag na ipinadaan thru our Teleradyo program sa DZMM kung saan tinawag na "mayabang, makapal ang mukha at typical of a Kris Aquino" ang misis ni James Yap base sa napanood ng mga taong pagtatanggol ng aktres-TV Host sa asawa at pagsasabing ito ang pinakasikat sa PBA kaya pinag-iinitan sa kinasangkutan nitong gulo sa isang PBA game.

Grabe, pero hindi namin iisa-isahin ang mga nasabing komento dahil karamihan naman sa mga ito ay nega. Kung muli itong paninindigan ni Kris, aabangan natin 'yan sa TRLE ngayong Martes Q-11@8:30 pm.

Meron pa ring mga karagdagang items on Rudy Fernandez' 40 days, panayam kay Lorna at sa mga anak nila ni Daboy, ang selebrasyong FHM's 100 Sexiest in the World (sana lang ay ipakita ang mga naghahanap kay Angel Locsin, huh!), ang natatanging panayam sa mag-inang Gloria Diaz at Isabelle Daza at marami pang iba!!!

Halaw sa panulat ni Ambet Nabus sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar