Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 22, 2008

Jake Cuenca sa Bench Blackout fashion show

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Jake Cuenca sa Bench Blackout fashion show


SINITA ko ang handler ni Jake Cuenca na si Alan Real kung bakit skinny ang kanyang alaga. Napansin ko sa ASAP ‘08 noong Linggo ang pagbagsak ng katawan ni Jake. At ayon kay Alan, “Naku, ilang days na lang, Bench Blackout na. Kaya kailangan niyang mag-lose ng weight.”

Weird nga dahil on television, Jake looks skinny but in person, tamang-tama lang. In-assure ni Alan na maglalaway ang girls and gays na manonood ng Bench show sa bagong katawan ni Jake.

Labanan ng pagandahan ng katawan ang Bench Blackout: The Denim & Underwear Fashion Event. Kaya kanya-kanyang work out ang mga participants to make sure na fit silang haharap sa audience sa Araneta Coliseum.

Pinag-uusapan na ang nasabing Bench event. Magaganap ito sa July 25, Friday sa Araneta Coliseum. May mga kaibigan ako asking for tickets. Marami rin akong kaibigang managers na may mga alaga who are participating sa nasabing fashion event.

Isang male celebrity (winner ng isang reality search) ang nakatakdang rumampa sa Bench Blackout. For some reason, ayaw itong ipasulat ng kanyang handler.

Pero tiyak na pag-uusapan ang pagrampa ng male celebrity. Favorite kasi ng gay community ang male celebrity nu’ng nasa pakontes pa ito.

Kung manonood kayo sa sa Araneta Coliseum this Friday, makikilala ninyo ang aming tinutukoy.

* * *

SPEAKING of Bench Blackout, may intriga din pala sa ganitong mga show. Nakarating sa amin na 20 male models ng isang modeling agency ang eliminated sa nasabing show.

“Booked na ‘yung 20 models for the event,” kuwento ng kausap ko. “But the management of Bench found out na ‘yung isa was signed up by his agent with a competing brand.

“Nagtampo si Bench (Chan, Bench’s owner) kaya the organizers (of the fashion show) decided na huwag nang kunin all 20 of them.”

Nanghinayang ang supposed 19 models dahil sa pagkaka-eliminate nila sa fashion event.

“It’s a case of word of honor,” sabi pa ng kausap ko. “Ibinigay mo na sa Bench ang models mo, ‘yun pala isa-sign up mo sa isang competing brand.”

No comments: