Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 9, 2008

Jaclyn Jose Masama ang Loob Sa Anak!!?

Jaclyn Jose Masama ang Loob Sa Anak?

andrea eigenmann - pbb houseplayer

MASAMA pala ang loob at puno ng hinanakit sa kanyang anak na si Andi Eigenmann ang premyadong aktres na si Jaclyn Jose!


Diumano, wala palang nalalaman si Jaclyn sa mga plano raw ng anak nito sa pagsalang na sa Star Magic ng ABS-CBN.


Nakaharap naman namin si Andi sa press conference para sa June birthday celebrants ng Star Magic at hindi naman namin kinakitaan ng anumang problema niya sa kanyang ina ang eighteen years old ng dalaga. Sa kuwento nga ni Andi, lalo na ‘yung may kinalaman sa pagiging crush niya kay Victor Basa na kapit-bahay na pala nila noong maliit pa siya, nabanggit pa nga ni Andi na ang Mommy niya ang nagkukuwento sa kanya na minsan na siyang inalagaan ng naging kalaro nga niyang si Victor.


Magkasaman naman daw sa iisang bahay ang mag-ina, kaya parang imposible yatang walang alam si Jaclyn sa mga ginagawa at pinaplano ng kanyang dalaga.


Apparently raw, when it comes nga raw sa career ni Andi, ito na ang nagdedesisyon sa sarili niya. At diumano, hindi na nga raw isinasangguni sa kanyang ina.


Never ko ngang nakitang kasama si Jaclyn ng kanyang anak sa ilang pagkakataong nakita namin ito sa ABS-CBN, di tulad ng ibang artists nga ng Star Magic, na kundi parents, guardians ang kasa-kasama.


Baka naman gusto lang ni Andi na maging tuluy-tuloy na ang kanyang pagiging independent! Dahil eighteen na nga siya.




Source: Pinoy Parazzi

No comments: