Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 9, 2008

Iya Villania, balik GMA?; John Prats lilipat din?

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Iya Villania, balik GMA?; John Prats lilipat din?
Iya Villania










Humarap sina Jay-R at Iya Villania para i-renew ang kanilang kontrata sa Sun Cellular.

Ang isyung paglipat sa ABS-CBN 2 ang sinagot ni Jay-R at si Iya naman ay hindi pa sinagot ang tanong namin kung totoong babalik siya sa GMA 7. “Sino nagsabi sa ‘yo n’yan?” patanong na sagot ni Iya sa akin. Naintindihan namin kung ayaw niya munang sagutin ang bagay na ‘to. Ang narinig namin, isa siya sa mga alaga ni Arnold Vegafria na lilipat ng GMA 7 bukod kay John Prats.

Samantala, napag-usapan namin ni Arnold ang tungkol kay Patrick Garcia na nasa New York pa rin daw at nag-aaral ng Film doon. Crash course lang daw iyun pero magtatagal daw doon si Patrick hanggang September.

Pagbalik daw ni Patrick dito ay meron itong gagawin sa GMA 7 sa October.

Nakiusap daw si Patrick na huwag na siyang tanungin tungkol kay Jennylyn Mercado. Mabuting manahimik na lang daw. Nangako naman daw ang pamilya ni Patrick na magbibigay sila ng tulong kay Jennylyn pag nanganak na ito.

ABU TILAMZIK
Abante Tonite

No comments: