Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Ingat na ingat ang ABS-CBN

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Ingat na ingat ang ABS-CBN

King
actor, singer, comedian Vhong Navarro
Ruffa Gutierrez

Ingat na ingat ang ABS-CBN na hindi mag-leak sa press ang bumubuo ng cast ng Betty La Fea. As of today, sina Bea Alonzo, Vhong Navarro, at Ruffa Gutierrez pa lang ang na-press release na kasama sa major cast.


Sa ipinadalang press release sa press ng ABS-CBN, ibinalitang nagwu-workshop na ang buong cast, pero walang sinabi kung sino ang mga ito. Basta, enjoy daw ang cast sa workshop na nagsisilbi ring bonding time nila at kung sino ang mga ito, saka na malalaman.
Hindi rin kinukumpirma ng production staff kung totoo ang nagpu-float na tsika na si John Lloyd pa rin ang makaka-pareha ni Bea. Naghihintay lang daw ng right time ang Ch. 2 para ipaalam ang tungkol dito at hinihintay na maipalabas ang A Very Special Love movie ng actor at ni Sarah Geronimo.



Source: PINOY PARAZZI

No comments: