Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 16, 2008

Ikinuwento ni Jolina Magdangal, JENNICA GARCIA AT MART ESCUDERO, PASOK SA MAAGANG PAGBUBUNTIS

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Ikinuwento ni Jolina Magdangal, JENNICA GARCIA AT MART ESCUDERO, PASOK SA MAAGANG PAGBUBUNTIS












MUKHANG may ibubuga ang bagong programang Dear Friends nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. This will be shown starting on July 20 afternoon after Pinoy Idol Extra sa GMA-7, of course.

Kahanga-hanga rin ang friendship na namamagitan sa dalawa. Despite the fact na minsan din silang naging mag-on, napanatili nila ang kanilang pagiging magkaibigan after their breakup, which is rare.

Karaniwan kasi, nagiging mortal enemies ang naghihiwalay na magkasintahan.

Sa Dear Friends, expected siyempre na magiging adviser ang dalawa sa mga kabataang letter-senders na may problema. Isasadula ang bawat episode at ang first one ay gagampanan ng teen-age love team na sina Jennica Garcia at Mart Escudero.

According to Jolina, "Sa first three episodes, ita-tackle namin ang tungkol sa teen pregnancy at sa next three episodes naman ay tungkol sa sexuality."

Sey ni Marvin, "Siyempre, ang mga sagot namin ay ibabase sa aming mga experience."

Ang kay Jolina naman, "Our answers will be based sa kaalaman namin."

Inamin niyang malaki ang naitutulong ng pagbabasa niya ng libro sa pagkakaroon ng malawak na pang-unawa at karanasan, "I read books and recently, ito ay 'yung Why Love Can Wait. And also, I buy books for teen-agers. Kumukuha rin ako ng ideas sa internet."

Halaw sa panulat ni Len Ramos Llanes sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: