Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Hirap na sa kasong panghahalay sa anak ni William Martinez..."MGA P200 THOU NA RIN ANG NAGAGASTOS KO!'-BARON GEISLER

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Hirap na sa kasong panghahalay sa anak ni William Martinez..."MGA P200 THOU NA RIN ANG NAGAGASTOS KO!'-BARON GEISLER



NAPAG-USAPAN namin ng isa naming writer friend ang nangyayari sa kaso nina Baron Geisler at Patrizha Martinez. Nakita kasi namin si Baron on television habang tinatanggap ang Best Actor award sa Cinemalaya Filmfest Awards Night.

Kitang-kita na nanginginig ang kamay nito habang binabasa ang speech niya. Indeed, kailangang-kailangan ni Baron ang positive publicity now that he is in time of crisis.

Sa interbyu, sinabi niya na hirap na rin daw siya habang tumatagal ang kaso. "Mga P200,000 na rin ang nagagastos ko!" sey nito.

Sa side nina Yayo at William, kahit 'di man sabihin, siyempre, gumagastos din sila. Kung i-a-assess ang sitwasyon, pareho silang kokonti lang ang projects ngayon. 'Di namin alam kung ano ang nangyari sa Florinda kung makakasama kuno si William.

Ngayon, sino ang winner sa kasong ito? Sino ang nakikinabang sa alitang ito?

Our friend wishes na inayos na lang daw sana amicably ng both parties ang usapin. Sino man ang manalo, magiging masaya ba sila kung magsa-suffer ang kalaban?

Halaw sa panulat ni Len Ramos Llanes sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: