Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 9, 2008

Hindi si Gabby Concepcion...SI DIETHER OCAMPO ANG SUPPORTING SA SERYE NI CLAUDINE BARRETTO

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Hindi si Gabby Concepcion...SI DIETHER OCAMPO ANG SUPPORTING SA SERYE NI CLAUDINE BARRETTO

SIGURO naman, titigil na ang nagsasabing supporting lang si Gabby Concepcion nina Diether Ocampo at Claudine Barretto dahil ayon mismo sa director ng Iisa Pa Lamang na si Ruel Bayani, "Pinakaimportante na elemento ang role ni Gabby sa serye mula gitna hanggang dulo. Ako ang nagsasabi na maganda ang role ni Gabby."

Inaasahan din ng mga fans ni Gabo na hindi sila madi-disappoint sa kalalabasan ng seryeng ito at hindi talaga pababayaan ang role niya. Dapat talagang lumitaw na silang tatlo ang bida.

Anyway, sa billing ng poster ay bidang-bida si Gabo, 100% ang sukat ng name niya katulad ni Claudine samantalang si Diet ay 70% lang at kahilera pa nina Angelica Panganiban, Melissa Ricks at Matt Evans.

Sa poster, makikita na parang sina Claudine at Gabby lang ang bida dahil silang dalawa ang nakaupo sa sofa at magkahawak-kamay. Si Diet ay nasa likuran na lang ng aktres, kahilera ng mga supporting.

Ewan lang namin, ha? Kung kami ang tatanungin, wala kaming naramdaman na supporting lang si Gabby tulad ng mga naglalabasan dahil alam namin na pilot week pa lang ang ipinalabas at mahaba ang itatakbo ng serye. Mas nararamdaman namin na sinasabik tayo sa role ni Gabby sa Iisa Pa Lamang. Ang importante sa concept, sa storyline, sa plot ay tatlo silang bida.

Korek!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: