Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 30, 2008

Hindi raw sa bahay nila natutulog, pero...TONI GONZAGA, KUMANTANG PINUPUNTAHAN NI DIREK PAUL SORIANO SA MADALING ARAW

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Hindi raw sa bahay nila natutulog, pero...TONI GONZAGA, KUMANTANG PINUPUNTAHAN NI DIREK PAUL SORIANO SA MADALING ARAW
















MASUWERTE si Toni Gonzaga dahil nagkaroon siya ng boyfriend na walang selos factor kagaya ni Direk Paul Soriano at naiintindihan ang work niya.

Mas napapalapit pa ito sa pamilya ni Toni dahil kahit 'yung Taytay (kung saan nakatira sina Toni) culture ng pagsisimba ay ginagawa ni Direk Paul.

Imagine, kahit 4:00 am ay nandu'n na sa bahay nila ang guwapong direkto at nag-e-effort itong gumising nang maaga para sa nasabing misa.

"Sabi nga ng ibang mga taga-Taytay kay Paul, 'Ay, ang aga mo! Sa kanila (Toni) ka natulog?!' Ha! Ha! Ha! Hindi, 'no! Ayaw ng daddy ko!" bulalas ni Toni.

"Mabait si Paul. Kahit lumaki siya sa States, nag-a-adjust siya sa Filipino culture, especially with my parents na very Pinoy at medyo conservative. One thing 'yun na naa-appreciate ko," pagmamalaki ni Toni sa boyfriend.

Anyway, mapapanood si Toni sa Auguts 14, 10 pm sa Zirkoh-Timog, kasama for the first time si Gabby Concepcion titled Faces, Voices & Bodies. Ito rin ang unang pagkakataon na magdu-duet sila tulad sa nasabi nila sa isa't isa sa Entertainment Live. Kasama rin sa show sina Valerie Concepcion, Joross Gamboa, Baywalk Bodies, Raphael Martinez atbp..

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: