Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 31, 2008

Headband ni Juday, ‘hiniram’ ni Mariel

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Headband ni Juday, ‘hiniram’ ni Mariel


NADAANAN ko ‘yung afternoon soap ng Sexbomb Girls, ‘Vaklushii’ ba ang title nu’n, Wendell Alvarez?
Mistula palang kambal sa pagiging magkamukha nina Coco Martin at Sid Lucero, ah! Eh bakit kaya hindi sila ga­wing magkapatid sa serye?

***
Idol na idol pala ni Mariel Rodriguez si KRYSTALA kaya hayun ang kanyang CAROL VARGA at akala mo, hiniram ‘yung headband ni Juday sa natapos na fantaserye! Hahaha!!!
Kunsabagay, paborito namin si Mariel. Noon pa namin sinusulat ang kanyang pagiging lukaret nu’ng bago pa siya sa PBB.
Debah, kahit na mabulol siya eh inaamin niyang nabubulol nga siya?

***
Naiinip na si Boss Orly Ilacad sa gaga­wing movie ni Juday sa bakuran ng OctoArts, kung pwedeng mag-shooting na sa November.
Tanong pa ni Boss Orly, “Mahaba pa ba ang pila?”
Sey ko, sa August ang shooting nina Juday at Ryan sa Regal at nagsimula na uli ang taping ng nurserye nina Juday at Derek.
Tawag pa nang tawag si Aida Arceo from Los Angeles, kasi, gusto niyang ipa-premiere ang Ploning sa tatlong states sa USA nang September-October.
Gusto rin ng taga-London na ipalabas ang Ploning sa London.
Uuwi pala ng Pili­pinas sa October ang kaibigan nating si Philip de Vera at aasikasuhin niya ang pagdaraos ng Mr. London-Philippines na ang top prize ay trip to London sa Notting Hill mansion ni Philip.
Dito raw idaraos ni Philip ang kaa­rawan niya at sa Mandaluyong’s Broadway niya ito iseselebra with matching show sa -- ano nga ba ang pangalan ng showcase ng mga vaklush doon, Favatini San?
Well, pray namin ni Sister Agnes sa Carme­lite Convent na sana, ma­tuloy ang mga lakad na ito at magpatuloy pa ang pag-ulan ng grasya sa kan­dungan ni Juday!
Thank you po, Lord!

***
May mall tour si JayR bukas (Biyernes, Agosto 1) nang 5:00 PM sa Robinson’s Place-Ermita kaugnay sa promo ng album niyang Soul In Love.
Kakantahin niya ang Tattoed On My Mind, No One Else Comes Close, One Hundred Ways at Always and Forever.
May augtograph signing pagkatapos ng libreng palabas.

***
May mall tour din si Ogie Alcasid bukas (Biyernes, Agosto 1) nang 6:00 PM sa SM Fairview, at sa Linggo (Agosto 3) nang 6:00 PM sa SM Bacoor.
Kaugnay naman ito sa promo ng album niyang The Great Filipino Songbook.
Kakantahin ni Ogie sa libreng palabas ang Kung Sakali (unang single), May Minamahal, Ikaw Lang Ang Mamahalin at Bato sa Buhangin.

***
Ang duet nina Alicia Keys at Jack White ng rock band na The White (Stripes) na pinamagatang Another Way To Die ang theme song ng bagong James Bond movie na Quantum of Solace.
Ito ang unang duet sa kasaysayan ng James Bond soundtrack.
Ang soundtrack ng Quantum of Solace ay ire-release ng J Records sa Oktubre 28, 2008.
Ang Quantum of Solace na pinagbibida­han muli ni Daniel Craig bilang James Bond ay ipalalabas sa Pilipinas simula Nobyembre 5, 2008.

***
Umaariba sa local & entertainment scenes ang Backroom, artists.
Si Ai Ai de las Alas ay nagsu-shooting ng filmfest entry niyang Ang Tanging Ina Ninyong Lahat at may concert sa Sabado (Agosto 2) sa Zirkoh Timog. Panauhin niya rito sina Erik Santos at Richard Poon.
Sa Agosto 30, may show si Ai Ai sa Palompon Institute of Techno­logy Gym sa Palompon, Leyte.
Magpe-perform siya sa Italy para sa Smart/PLDT shows -- Setyembre 28 sa Milan, at Oktubre 5 sa Rome.
Sa Oktubre 10, may show sila ni Jed Madela sa Bahrain.
At sa Oktubre 25, guest si Ai Ai sa concert ni Richard Poon sa SM Megamall Theatre.

***
Bukod sa ASAP, abala si Erik Santos sa mall shows -- Agosto 9 sa SM Lipa, Setyembre 4 sa Laoag, at Oktubre 4 sa SM North EDSA.
Sa Setyembre 26 sa Manila Hotel, sama-sama sila sa concert nina Ri­chard Poon, Sam Milby at Papa Pio­lo Pascual.
Ginagawa rin ni Erik ang back-to-back album nila ni Christian Bautista, na collaboration ng Star Records at Warner Music.



Halaw Sa Panulat Ni Alfie Lorenzo para sa Dyaryong ABANTE

No comments: