Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 31, 2008

Habang nasa cruise, Cristine Reyes...RUFA MAE QUINTO, AMINADONG MAY NANGYARI NGA SA KANILA NI DENNIS TRILLO ABROAD

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Habang nasa cruise, Cristine Reyes...RUFA MAE QUINTO, AMINADONG MAY NANGYARI NGA SA KANILA NI DENNIS TRILLO ABROAD


SA presscon ng I.T.A.L.Y., dehins idinenay nina Rufa Mae Quinto at Dennis Trillo ang kanilang pagiging mag-on for a brief period of time.

Isang insidente sa kanilang shooting abroad ang naikuwento ni Rufa Mae kung saan "iniligtas" kuno siya ni Dennis. Pagpapatunay kaya ito na may feelings pa para sa kanya ang balitang present labs ni Cristine Reyes?

Paliwanag ni P-Chi, "Noon kasing narating namin ang Tunisia, sabi sa amin, lima lamang ang puwedeng bumaba. Dahil excited akong makababa ng barko, 'di ko napansin na naka-t-shirt lang ako.

"E, ang laki ng boobs ko, naka-shorts lamang ako at naka-boots. Kaya pala may narinig kaming mga nagsisigawan ng 'Mama Mia'. Mama Mia!' 'yun pala, 'yung attire ko ay bawal sa place na 'yun. Muntik na kaming mapaaway. Kung 'di dahil kay Dennis, baka tuluyan na kaming nakipaggiyera-patani sa mga tao ru'n," kuwento pa ni Rufa Mae.

In sa me presscon, natanong si Dennis kung 'di ba siya naaasiwa dahil second choice siya after tanggihan ni Gabby Concepcion ang pagsama sa pelikulang nabanggit.

Sey nito, "'Di importante sa 'kin kung second or tenth choice. Malaking karangalan pa rin ito para sa akin. Perhaps, it's fate, it's destiny na para sa akin talaga ang role na ito."

Halaw sa panulat ni Len Ramos Llanes sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: