Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 15, 2008

Gretchen Barretto plays mayor's mistress in "Maalaala Mo Kaya"

Gretchen Barretto plays mayor's mistress in "Maalaala Mo Kaya"

Gretchen Barretto plays mayor's mistress in "Maalaala Mo Kaya"

For the longest time, ngayon lang daw ulit na-experience ni Gretchen Barretto ang magtrabaho ng 24 hours sa loob ng tatlong araw. Wala raw kasing inaksayang oras ang Maalaala Mo Kaya sa sinabi ni Gretchen na she will only work from 6 a.m. to 6 a.m.

Kaya nang matapos daw ang isang eksena ni Greta ng 6 a.m., nagpaalam na ito agad sa buong production. Natatawa ngang ikinuwento pa ni Gretchen sa nakaraang press conference sa 14th Floor ng ELJ Building ang naturang pangyayari.

"Bago ko kasi tinanggap yung MMK, may deal ako na magte-taping lang ako from 6 a.m. to 6 a.m. [the next day]. E, may taping kami sa Batangas na 6 a.m. na, marami pang eksenang natira for that day. Anim pa! Aba, ang gusto nilang tapusin pa ang six more sequences, e, anim na oras pa yun!

"Nakikiusap sila. So, sabi ko, goodbye everybody! See you on Friday. E, Thursday na yun ng umaga!"

GRETCHEN'S BUS. Sinubukan daw ng staff kung mapakiusapan pa nila si Gretchen dahil may 30 minutes pa raw na natitira, kaso, nang puntahan daw nila ang dalang bus ni Gretchen, ang kasama na nito ang humarap at nagsabing hindi na raw kaya ng amo at pagod na pagod na. Maging ang handler niya from Backroom na si Bettina ay tulog na rin daw.

Natatawang kuwento pa ng executive producer ng show sa kasamahan din nila sa production, "Sabi ko, kotse lang ang kaya kong harangin para hindi umalis ang isang artista, pero, itong bus, tayong dalawa ang humarang."

Kaya naman "bus" na halos ang tawag ng production sa malaking sasakyang dala ni Gretchen sa taping ay sa dahilang unlike other stars, dala-dala na raw ni Gretchen ang lahat ng pangangailangan niya dahil ayaw na ayaw niya na may naaabalang tao.

THE MAYOR'S MISTRESS. Gretchen is portraying the role of a poor woman na naging kabit ng isang mayor. Personal choice ni Gretchen ang naturang kuwento among the scripts na ipinadala sa kanya ng MMK.

So, when asked, kung ano raw kaya ang mas gugustuhin niya, ang maging miserably rich o ang maging miserably poor, mabilis ang naging pagsagot ni Gretch ng, "Miserably rich! Magpaka-totoo na tayo! Mas madali naman talagang magsaya kapag may pera kesa sa walang pera, di ba? Mas maraming nagagawa kapag may pera kesa sa wala.

"Alam nyo, a good friend of ours, congressman ba siya noong araw? Si Congressman [Luis] ‘Baby' Asistio, recently lang, siguro, a month ago. Ikinukuwento niya yung buhay niya sa amin. Sabi niya, ‘You know what, I've been rich, I've been poor, but one thing I can tell you, its better to be rich!'"

NEXT, MOVIE. This time, mukhang magtutuluy-tuloy na nga ang pagka-comeback ni Gretchen sa showbiz. After testing the water in singing, open na rin si Gretchen na pagkatapos ng kanyang MMK, movie naman ang susunod niyang gagawin.

Pinag-iisipan din daw ang teleserye, pero nang malaman niyang tulad ng MMK, madugo rin ang taping ng soap and it will require three days a week taping, natatawang sinabi, "Movie na lang ako!"

Naghahanap na raw ng magandang material for her ang Star Cinema.

"Pinag-uusapan namin ang movie. Naghahanap lang kami ng magandang script pa. Kasi, hindi naman na ‘ko puwedeng magkaroon ng script na pa-cute-cute. Kailangan something like the material that we did for MMK. Mature role na talaga. Arte na talaga at hindi yung teeny-bopper na what do you call this, ‘play movie'? Ayoko na nun."

NOT SETTLING FOR NUMBER TWO. May nagbanggit kay Gretchen na posibleng gumawa ng sequel ng Desperada, if ever, papayag na ba siyang makasama sa part 2?

"I have to be the original. I don't want to be the part two. I wanna be ‘one.' Ayoko na ng ‘2' or ‘3,' tahasang pahayag nga niya.

What about a movie with her sister Claudine?

"I would love that! I would love that! Marami akong natutunan sa ate kong Claudine. Truly, inspirasyon ko, siya ang inspirasyon ko sa pag-arte," pagpapatawa pa ni Gretchen.

ANNABELLE RAMA. Sa huli, contrary to what people think na may isyu sa pagitan nina Gretchen at ng mommy ng kaibigan niyang si Ruffa Gutierrez na si Annabelle Rama, nagpahayag si Gretchen na parang ina na niya kung ituring si Annabelle.

Diumano, nag-ugat ang galit daw ni Annabelle kay Greta dahil sa "credit card issue." Napagalitan pa nga raw ni Annabelle si Ruffa sa nakaraang presscon nito na mas si Gretchen pa raw ang napag-uusapan instead of the product na ine-endorse, na siyang nagpa-presscon noon.

"Tita Annabelle is my Tita Annabelle. She's my second mom. She's more my mom, alam natin yun. Pinapagalitan niya ‘ko tulad ng pinapagalitan niya si Ruffa. Sinesermunan niya ‘ko kapag may mali siyang naririnig. And I welcome that dahil alam kong mahal na mahal ako ni Tita Annabelle."



Source: PEP

No comments: