Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 14, 2008

Gretchen Barretto defends sister Claudine on reported confrontation with Angel Locsin

Gretchen Barretto defends sister Claudine on reported confrontation with Angel Locsin

FIRST READ ON PEP: Gretchen Barretto defends sister Claudine on reported confrontation with Angel Locsin

Pagkatapos ng labinlimang taon ay muling mapapanood sa Maalaala Mo Kaya (MMK) si Gretchen Barretto. Simula next week, July 19, ay mapapanood na ang MMK tuwing Sabado.



Sa press conference ng MMK na ginawa sa 9501 restaurant ng ABS-CBN ay excited na ikinuwento ni Gretchen ang kanyang karanasan sa muling pag-arte sa harap ng kamera. Aminado ang magandang aktres na nahirapan siyang mag-adjust pagdating sa oras ng taping. Hindi na kasi sanay si Gretchen magpuyat, especially kung trabaho ang pag-uusapan.



"Nahirapan," ngiti ni Gretchen. "Nahirapan din sila [production team] sa akin. Siyempre pagpasok mo ng set, excited na excited ka, lahat ng energy nai-expel mo. Tawa pa kami nang tawa. Pagdating ng mga twelve o'clock midnight, parang ano na ako, nahihilo-hilo na ko.



"And then, may oras na ‘pag mga one o'clock, magiging hyper na naman kami, tawa na naman nang tawa. Pagdating na ng three o'clock, nag-i-emote na ako, ‘Anong ginagawa ko sa sarili ko, gising pa ako?' Gusto ko na maligo, pagod na ako. Three days kasi na 24 hours na trabaho. Hanggang ngayon, para akong nadye-jetlag. Sa araw ako natutulog, sa gabi gising ako."



Para sa nasabing episode ng MMK ay gagampanan ni Gretchen ang papel ng isang may asawang babae na naging mistress ng town mayor.



Nang tanungin si Gretchen kung nakaka-relate ba siya in any way sa story, o sa character na ginampanan, ay sumagot ito ng, "I can't relate kasi I'm not married," seryosong pahayag nito, "I don't have a husband."



DEFENDING SISTER CLAUDINE. Napag-usapan during the interview after the presscon proper ang kumalat na balita recently involving Gretchen's sister Claudine and fellow ABS-CBN star Angel Locsin.



Ayon sa kumalat na balita ay nagkasagutan diumano ang dalawa sa isang salon matapos magsumbong ang isang hairdresser kay Claudine sa ipinakitang attitude ng Lobo lead star habang inaayusan. Pinagsabihan daw ni Claudine si Angel at nauwi ito sa isang confrontation.



May mga nag-react sa isyung lumabas na hindi raw si Angel ang may kasalanan kung bakit nagkaroon ng heated exchange. Kasalanan daw ito ni Claudine dahil mistulang nagmamalaki ito kay Angel.



"Ayoko munang mag-react," mabilis na sagot ni Gretchen nang kunin ang kanyang reaksiyon. "Ang alam ko lang, masipag ‘yong kapatid ko. Focused siya sa trabaho niya, magaling siya at marami siyang award."



Dagdag ni Gretchen, narating daw ng kanyang nakababatang kapatid ang kasalukuyang estado nito dahil na rin sa sipag at tiyaga.



"Pinagtrabahuhan niya kung ano siya at kung anong meron siya. Kaya sana huwag husgahan ng iba or sasabihin na nagmamalaki siya dahil Claudine is Claudine," depensa ni Gretchen.



Very honest si Gretchen na masama ang loob niya kay Angel, pero hindi naman daw siya galit dito.



"Naawa ako sa kapatid ko, siyempre. Kasi para ma-accuse si Claudine, siyempre naawa ako sa kanya. Pero alam ko naman kaya ni Claudine ‘yon. Sabi ko, that's part of being Claudine Barretto and having the fame and special treatment that you have in ABS-CBN. Kasi siyempre, matagal na siyang nandito sa ABS kaya nabibigyan siya ng special attention."



Open-minded naman si Gretchen pagdating sa issue. Katuwiran niya, "'Yong side lang ni Claudine ang naririnig ko, wala pa akong naririnig sa kabilang side. ‘Yon, so mahirap naman para sa akin ang magsalita."



Nang tanungin kung babatiin ba niya si Angel kung sakaling makasalubong niya ito somewhere ay ito lang ang sagot ni Gretchen: "Hindi ko alam. Takot ako, baka awayin din niya ako! Baka sigaw-sigawan niya ako. Oh my, God! Wala akong panahon!"




Source: PEP

No comments: