Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Governor Vilma Santos says no to being part of "Miss X" remake

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Governor Vilma Santos says no to being part of "Miss X" remake


FIRST READ ON PEP: Governor Vilma Santos says no to being part of "Miss X" remake

Batangas Governor Vilma Santos sadly passes up the offer to be part of the remake of Miss X.

Bubbly si Governor Vi sa pagbati ng mga "nagbigay-pugay" na press sa kanya sa birthday party ni Cristy Fermin last Tuesday, July 22, sa Metro Bar; giving each a hug and a kiss and calling everyone by name, a trademark na konting artista lang ang nakagagawa na matandaan ang pangalan ng mga manunulat.

Dahil noong araw rin na yun nagpa-press con OctoArts Films, kung saan ilu-launch si Katrina sa remake ng Miss X to be directed also by Gil Portes, ito agad ang tinanong namin kay Governor Vi.

"Wala namang kaso sa akin yun," say ni Governor Vi, who has never been against remaking her movies be it on TV or in the big screen again.

"Di ba nga, ang sabi ko lang na huwag i-remake ang Vilma and Beep, Beep Minica?" paalala niya na isang running joke way back pa nang kumakandidato pa lang siya sa pagka-governor ng Batangas.

Sa press conpa rin ng OctoArts, nasabi ni director Portes na may intention silang kausapin si Governor Vi. Nagpadala na nga raw sila ng feelers kay Governor Vi to have a cameo role in the remake of her 28-year-old film.

"Ay, pass na muna ako diyan," sagot ng Star For All Seasons.

Busy raw kasi si Governor Vi sa pagpapalakad ng kanyang probinsiya. Isa pa, kung ang movie niya nga hindi maumpisahan, mas maganda naman sana kung ito muna ang unahin niya bago siya mag-cameo sa isang pelikula kahit sa kanya ito originally.



Source: PEP

No comments: