Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 31, 2008

GMA-7 showbiz crew invited to the presscon of Star Cinema's "For The First Time"

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

GMA-7 showbiz crew invited to the presscon of Star Cinema's "For The First Time"

GMA-7 showbiz crew invited to the presscon of Star Cinema's "For The First Time"

Pleasant surprise na nakasabay ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa elevator patungong 14th floor ng ELJ Building ng ABS-CBN ang showbiz TV crew ng GMA-7 led by former ABS-CBN talent now GMA-7 reporter na si Nelson Canlas. Properly invited daw sila ng Star Cinema to cover the event, sabi ni Nelson sa amin.

Napatingin din ang lahat ng reporters na nandoon na sa venue sa pagpasok ng nasabing TV crew ng Kapuso network at masaya ang naging biruan. They were welcomed by the group of Roxy Liquigan, ang head ng promotion ng Star Cinema, and Ms. Lorie Dionisio-Piravasalamy, ang PR naman ng ABS-CBN.

On their part, nagpapasalamat ang GMA-7 TV crew na naimbitahan sila sa unang presscon ng makasaysayang unang pagtatambal ng Kapuso's pimetime king Richard Gutierrez and ABS-CBN newest princess KC Concepcion under Star Cinema na ipalalabas this August 27, so they accepted the invitation.

Pero ayon kay Nelson, hindi ito ang unang pagkakataon na naimbitahan ang GMA-7 crew sa presscon ng pelikula ng Star Cinema. Ang una raw pagkakataon ay sa unang pelikula together nina Regine Velasquez at Piolo Pascual, ang Paano Kita Iibigin na ipinalabas last year.

Ang naging biruan later, kapag ang GMA Films naman ang nagsimula ng promotion for its Richard-KC movie this February 2009 na When I Met You, dapat daw imbitahan din ang ABS-CBN showbiz TV crew naman.

"Itu-tour" din daw nila ang ABS-CBN showbiz TV crew sa loob ng GMA-7 kung sakaling sa GMA Network gawin ang presscon, biro ni Nelson.




Source: PEP

No comments: