Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 22, 2008

Gabby, naiinip ng gawin ang pelikula niya sa GMA Films

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Gabby, naiinip ng gawin ang pelikula niya sa GMA Films

Naiinip na raw ang kampo ni Gabby Concepcion partikular na ang manager niyang si Mommy Rose Flaminiano sa hinihintay nilang script ng pelikulang gagawin ng aktor sa GMA Films.

Sumulat daw si Mommy Rose sa GMA Films asking kung puwedeng “balewalain” na lang ang kontrata ni Gabby sa kanila dahil wala pa hanggang ngayon ang movie project na gagawin sana ng aktor kapalit I.T.A.L.Y.

Pakiusap ni Mommy Rose, sana daw sa loob ng 30 days ay maayos na ang script ng pelikulang gagawin ni Gabo sa GMA Films.

Samantalang naikuwento rin ni Mommy Rose na nag-recording na si Gabby ng sariling version niya ng Iisa Pa Lamang at malapit na itong patugtugin sa bagong soap opera nila nina Claudine Barretto at Diether Ocampo sa ABS CBN.

Tsika pa ni Mommy Rose, kinontrata ng SM Malls si Gabby para mag-perform sa iba‘t ibang branches nito. Nanggaling na raw sila sa Cebu, Davao at ilang lugar sa Visayas at Mindanao kung saan pinagkaguluhan ng fans ang aktor.

GERRY OCAMPO
Journal Online

No comments: