Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 14, 2008

GABBY CONCEPCION, MAGKO-CONCERT NA SA ARANETA!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News
















MUKHANG pinangangatawanan ni Gabby Concepcion ang kanyang pagiging singer dahil bukod sa kanyang album under Warner Music ay nakatakda siyang magkaroon ng shows and concerts sa mga darating na buwan.

Sa August 14, ay may show siya sa Zirkoh-Timog kasama si Toni Gonzaga titled Faces, Voices and Bodies@Zirkoh with Valerie Concepcion and Joross Gamboa.

Sa August 15 and 16 naman ay may show siya sa Music Museum at sa September ay may malaki siyang concert sa...hold your breath...Araneta Coliseum kasama ang mga Warner Music talents.

In fairness, ayon sa mga nakakarinig ng singing voice ngayon ni Gabo, malaki raw ang improvement ng boses ng aktor sa pagso-show sa US noon.

May nakarinig na rin ng revival ni Gabby ng kantang Come What May with Nina na included sa album ng aktor sa Warner at ang ganda-ganda raw ng bersiyon nito.

Pero siyempre, priority pa rin ni Gabo ang kanyang pag-arte dahil nakilala naman siya talaga bilang dramatic actor. Mapapanood na siya tonight with Claudine and Diether Ocampo sa Iisa Pa Lamang.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: