Ano ang mas pinapanood ninyo?

Sunday, July 20, 2008

FEELING BOSSING NG NETWORK NA MANAGER NA MALE SINGER, IPINA-BANNED ANG MGA PRESS NA TUMITIRA SA ALAGA

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

FEELING BOSSING NG NETWORK NA MANAGER NA MALE SINGER, IPINA-BANNED ANG MGA PRESS NA TUMITIRA SA ALAGA











BLIND ITEM: FEELING powerful ang baklitang manager ng male singer na mali ang sistemang pinaiiral at nagsisilbing kalawang sa career ng alaga.

Instead na matauhan at magmuni-muni sa kawalan niya ang sinseridad sa movie press at kaibigan, kayabangan pa rin ang pinaiiral at nananakot na ipapa-deny daw niya at ipapatira sa mga sikat na kolumnista ang nagsusulat sa kanila ng alaga na hindi pumapasa sa kanilang panlasa.

Pero katotohanan din ang lilitaw diyan maski ano pang kasinungalingan ang ikuwento niya. 'Pag nagsalita ang mga taong sumama ang loob sa kanila at naka-experience ng hindi maganda sa kanila, ewan kung saan sila pupulutin, 'di ba, Ms. F.?

Natawa kami sa move ng kampo ng male singer. Nakatanggap kami ng text mula sa 092...na nagpakilalang Cris N. na nag-request daw sa PR Department ng isang network ang said manager na tuwing may presscon sila ay i-banned ang columnist na bumabatikos sa kanila.

Ha!ha!ha! Feeling may-ari ng network! Kung 'yung mga superstars nga ng network na nakakanti ng press ay dedma lang, isang ilusyunadang baguhang manager na may alagang hindi kasikatang male singer ang magkaka-attitude ng ganyan at nagtatangkang mag-request ng ganyang kalokohan?! The nerve.

Ano'ng feeling niya, kaya niyang diktahan ang PR Dept. para kumampi sa kababawan niya? Grabeng kahibangan 'yan, ha!

Dios mio, kawawa naman ang kampo ng male singer, hindi nila alam ang kanilang pinaggagawa. Naku, mag-ingat na lang sa kanilang 'ngiti' dahil baka may nakatagong kaplastikan sa likod nito.

'Yun na 'yun!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: