Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 30, 2008

Face towel lang daw...BUKOL NI DINGDONG DANTES, PEKE

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Face towel lang daw...BUKOL NI DINGDONG DANTES, PEKE


NAGING malaking balita ang paghantad ni Dingdong Dantes sa kanyang ka-machohan sa ginanap na Blackout Bench fashion show kamakailan sa Araneta Coliseum, kung saan wala siyang takot na nag-skimpy trunks sa harap ng maraming tao na ikinatili ng mga kababaihan, mga matrona, at lalo na ng kabadingan nang gabing 'yun.

Nakaagaw-pansin si Fredo ng Dyesebel dahil bumulaga ang bukol ng kanyang harapan na iniintrigang kesyo may labakara (facetowel) raw na inilagay sa loob para magmukhang malaki na itinanggi naman ng guwapong aktor.

Basta para kay Dingdong ay masaya siyang maraming tao ang nagkagusto sa ginawa niya sa
nasabing pagtatanghal na hanggang sa kasalukuya'y bukambibig pa rin ng lahat.

Halaw sa panulat ni Oghie Ignacio sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: