Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 21, 2008

ExPBBTE evictee gustong magsalita sa syete laban sa dos

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

ExPBBTE evictee gustong magsalita sa syete laban sa dos


GUSTONG magsalita ng isang PBB teen evictee sa GMA 7 para ilabas ang mga reklamo niya sa ABS-CBN 2.

Ang daming ipinangako raw sa kanya ng ABS-CBN na hindi natupad kaya ang dami raw niyang ilalabas na ikagugulat daw ng bumubuo ng PBB at ng Kapamilya Network.

Hindi na namin ina­-lam ang detalye ng mga inirereklamo nito dahil hindi ito pinatulan ng GMA 7.

Hindi maganda na magsalita pa siya sa GMA 7 na pawang kasiraan ng katapat na TV network.

Wala akong alam kung meron itong away sa mga taga-Dos, pero malamang na may ideya sila kung sino itong PBB teen na tinutukoy ko.

Kung hindi man sila magkaayos, mas mabuti sigurong bumalik na lang siya sa bansang kina­lakhan niya.

ABU TILAMZIK
Abante Tonite

No comments: