Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 24, 2008

Dream project ni Gov. Vi and ni Mega

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Dream project ni Gov. Vi and ni Mega



Masayang nagkatsikahan si Gov. Vilma Santos at Megastar Sharon Cuneta na matagal nang di nagkikita dahil sa super busy ng kanilang schedules sa birthday party ng The Buzz host na si Cristy Fermin. Close friends ang dalawa at kitang-kita naman ang excitement sa kanilang pagkikita.

Natanong sila kung me pag-asa pa bang magkasama sa isang proyekto na talaga namang matagal na nilang inaasam. "I'm sure..." ang patikim na sagot ni Ate Vi na dinagdagan pa ni Sharon ng "Di na po matatagalan!". Hay, sana nga ay mangyari ang sinasabi nilang dalawa right? It would surely be the movie of the century!

Puro hagikgikan ang dalawang magkumare buong gabi pero napansin din ng marami ang biglang pagdisappear ni Mega nang dumating ang kanyang ex na si Gabby Concepcion. Me iwasan nga bang nangyari? Hmm...

No comments: