Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Dra. Vicky Belo at Hayden Kho, insecure sa isa’t isa!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Dra. Vicky Belo at Hayden Kho, insecure sa isa’t isa!
Written by Julie Bonifacio

The Host, Dra. Vicky Belo and Hayden Kho very sweet

NAG-UMPISA NA ANG
mga intriga sa relasyon ni Dr. Vicki Belo ngayong nag-artista na ang boyfriend niya na si Hayden Kho. Natsitsimis na kasi si Hayden sa ilang female showbiz stars gaya ni Katrina Halili. Sa kabila nito, hindi naman nakakaramdam ng pag-aalala si Dr. Belo nung makausap namin siya sa launching ng bago niyang Belo male celebrity endorser na si Billy Crawford.


E, paano kasi mag-aartista na rin si Dra. Belo gaya ng boyfriend niya. Kung may soap opera si Hayden sa GMA7, tinanggap na rin ng sikat na cosmetic surgeon ang offer na lumabas sa isang special role para sa I Love Betty La Fea. For sure, siya ang magpapaganda kay Bea Alonzo bilang si Betty.


“I’ll appear somewhere in the middle pa,” sabi ni Dra. Belo.


Hmm… malamang matsimis din si Dra. Belo sa ibang male stars ng teleseryeng gagawin niya sa ABS-CBN. Dahil dito, hindi kaya si Hayden ang tuluyan nang ma-insecure sa pag-aartistang ito ni Dra. Belo?



Source: Pinoy Parazzi

No comments: