Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 8, 2008

Director Ruel Bayani assures Gabby Concepcion has a meaty role in "Iisa Pa Lamang"

Director Ruel Bayani assures Gabby Concepcion has a meaty role in "Iisa Pa Lamang"

Director Ruel Bayani assures Gabby Concepcion has a meaty role in "Iisa Pa Lamang"

Finally, nabigyan na ng kasagutan ng isa sa mga direktor ng pinakabagong primetime series ng ABS-CBN, ang Iisa Pa Lamang, na si Direk Ruel Bayani ang mga katanungan ng karamihan ng entertainment press na nakapanood ng first week ng naturang serye na magpa-pilot na sa Monday, July 14.

Ang katanungan ng halos lahat, ano't tila hindi raw masyadong nagmamarka ang character ni Gabby Concepcion sa Iisa Pa Lamang. Kung ang pagbabasehan daw kasi ang mga napanood na eksena sa press preview, puwedeng sabihin na ang kuwento ay umiikot lamang sa dalawa pang bida na sina Claudine Barretto at Diether Ocampo.

Gabby plays the role of Rafael Amadesto. Isang mabait na character at may lihim na pagtingin kay Claudine at tila palaging nagpaparaya para sa kanyang mga kaibigan.

Siyempre pa, marami ang nag-aabang sa character ni Gabby sa Iisa Pa Lamang, lalo pa nga't isa sa selling point ng serye ay ang pagka-comeback ng aktor after 13 years of absence from the limelight.

Ayon kay Direk Ruel, unang linggo pa lang naman daw ang napanood at tiyak na marami ang magugulat sa pag-usbong ng character ni Gabby towards the half and until the end of the series.

"Siyempre po, dahil first week pa lang naman ng serye ang napanood, ang nangyari ay in-established muna ang character nina Diether Ocampo at Claudine Barretto. Pero hindi naman ito nangangahulugan na si Gabby ay parang support lang sa pagmamahalan ng dalawa. This is a triangle at magugulat kayo sa sobrang laki ng ilulundag ng character ni Gabby.

"Hindi naman po siguro namin ilalagay si Gabby sa character na yun kung hindi siya importante. Actually, baka hindi nga lang po importante kundi baka pinakaimportanteng elemento ng kuwento. Napakalaki po ng role ni Gabby rito," paliwanag ng direktor.

Ayon pa kay Direk Ruel, sigurado raw na magugulat ang lahat sa role ng nagbabalik na aktor.

Bukod kay Gabby ay nagbabalik din sa pag-arte ang actress-director na si Ms. Laurice Guillen, na for a long time ay hindi tumanggap ng acting jobs o kung meron man, very rare lang ang mga ito.

In fact, Direk Laurice told the press na pinakahuling soap opera raw na ginawa ay ang Flordeluna, where she played the stepmother of Janice de Belen.

Bilang direktor tulad niya, hindi raw madali para kay Direk Ruel na magdirek ng isang kinikilala at premyadong direktor tulad ni Laurice Guillen. Ilan sa mga pelikulang idinitek ni Laurice ay Salome, Kasal, Kung Ako'y Iiwan Mo, Dahil Mahal Kita, Tanging Yaman, at ang pinakahuli ay ang Santa Santita.

"Actually, mas mahirap talaga sa part ko," saad ni Direk Ruel. "Yung first three years ko sa showbiz, si Direk Laurice ang kasama ko. Parang siya ang nag-train sa akin. Karay-karay niya ako, para akong anak niya na kasama niya.

"So kapag iniisip ko, years later, ang idinidirek ko na hindi lang isang premyadong director pero nanay ko na mahal na mahal ko. So kapag may scene kami na kukuhanan, bina-block ko na lang sa isip na ang idinidirek ko ay nanay ko."

No comments: