Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Director Joey Reyes tones down Rufa Mae Quinto's comedy style in "Single"

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Director Joey Reyes tones down Rufa Mae Quinto's comedy style in "Single"


Director Joey Reyes tones down Rufa Mae Quinto's comedy style in "Single"

After My Monster Mom, excited ang award-winning director-scriptwriter Jose Javier Reyes to work with comedienne Rufa Mae Quinto sa pelikulang Single ng Viva Films at On-Q 28.

Noong i-offer daw kay Direk Joey ang magdirek ng isang movie for Rufa Mae, may magandang kuwento na raw siya agad na babagay sa tulad ni Rufa Mae.

"I wrote Single because it really defines the kind of woman that Rufa Mae is sa society ngayon," panimula ni Direk Joey sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Women nowadays are more into their careers. Mas inuuna pa nila ang magkaroon ng sariling lugar in society, pero nakakalimutan na nila ang sarili nila. You may be successful as a single person pero you are also single and alone.

"Kaya we are working on how a woman who is in her prime, pero wala siyang ka-share sa kanyang buhay. You may have friends but still , yung masasabi mong special sa buhay mo ay wala sa tabi mo."

Isa raw sa hinahangaang komedyante sa TV at pelikula ni Direk Joey ay si Rufa Mae. Kaya nga hindi rin niya pinakawalan ang pagkakataon na makatrabaho ito despite his busy schedule.

"What I like about Rufa Mae is her natural candidness. Candid na may kasamang pagpapatawa. Bihira ko kasi makita ‘yan sa ibang artista. Yung nagpapatawa siya na hindi niya intension na magpatawa.

"Like sa set namin, may mga ikinukuwento siya na basta na lang kami matatawa. And she is not even aware na nagpatawa siya. That's an innate talent of hers at siya lang ang nakakagawa ng ganyan.

"Kaya nga in this movie, I want to tone her down, lalo na sa pagpapatawa niya which is very physical. We know the usual Rufa Mae Quinto na kapag nagpatawa, may mga kasamang lumilipad na mga kamay at braso, ‘tapos may facial expression pa siya, di ba?

"Sinabi ko sa kanya na subukan niya to express her being a funny lady without the big movements. Gusto ko na sa paraan ng pag-deliver niya ng dialogues niya. Nasubukan namin and she got what I wanted from her.

"Sabi nga niya, first time siyang magpatawa without being all over the place. I said na it's good na mag-experiment on different things, lalo na sa acting. She will go far as a performer because she's a natural," pahayag ni Direk Joey.

NO TO TV DRAMA. Sunud-sunod din ang mga pelikulang tatapusin ni Direk Joey Reyes sa taong ito. Bukod sa Single, sisimulan na rin niya ang dalawang 2008 Metro Manila Film Festival entries na One Night Only under OctoArts Films, kung saan bida sina Katrina Halili, Angelica Panganiban, Valerie Concepcion, at Roxanne Guinoo. Ang pangalawa ay ang Kaibigan na pagbibidahan naman ni Jinggoy Estrada, na idinirek noon ni Direk Joey sa Katas ng Saudi.

Kapansin-pansin na puro pelikula ang ginagawa ni Direk Joey ngayon at wala siyang ginagawang drama series. Paliwanag ni Direk Joey, matagal na raw siyang tumigil sa pagdirek ng soap drama dahil hindi na raw niya kinakaya ang pressure. The last soap drama he did was GMA-7's Hanggang Kailan na pinagbidahan ni Lorna Tolentino in 2004.

"That was my last soap drama and I told myself na hindi na ulit ako magpapakahirap na humawak ng ganyan," sabi niya. "Kung health ko na ang at risk, it's not worth all the money that they will pay me. Hindi na ako bata, I need some time for myself to relax and not be pressured by a daily soap drama.

"May mga offers na sa akin to do this soap drama, to do this fantaserye, and all that. I turned them down because I don't want to risk my health. I still want to make more movies because that is really my forte at, salamat sa Diyos, maraming mga film projects na dumarating for me."

HEALTH FIRST. Nalulungkot din si Direk Joey sa pagpanaw kamakailan ng tatlong directors na naging malapit sa kanya: Felix Dalay, who succumbed to cancer; Gilbert Perez and Abbo dela Cruz, who both died recently after a heart attack.

"I am very sad because kilala ko ang mga taong ito. Naging mga kaibigan ko sila, most especially sila Manong Gilbert and Direk Abbo. Nakakalungkot because they are still young. Manong Gilbert was only 48 while Direk Abbo was only 45. Marami pa sana silang gagawin na mga projects.

"That's why I don't want to pressure myself with work. After one project, pahinga muna to recharge and when you're good to go, start with a new one. Importante sa akin ngayon ay ang health ko. Hindi naman lahat ay tungkol sa kikitain mo. Kumita ka nga ng malaki, pero hindi mo naman ma-enjoy dahil bigla, may nangyari sa ‘yo. Kawawa ka naman sa bandang huli.

"Kaya ako, I'm loving and embracing life. I'm enjoying it habang malakas pa ako. Kahit na wala akong TV project at puro pelikula lang ako, it's okay because I still got my health," pagtatapos ni Direk Joey.





Source: PEP

No comments: