KASALUKUYANG umaani si Diether Ocampo ng papuri mula sa mga kritiko dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Iisa Pa Lamang, lalo na nga sa mga reporters na nakapanood na ng buong pilot week ng serye.

Bagama't si Diet talaga ang nag-shine nang husto sa first week kaysa sa isa pang leading man na si Gabby Concepcion, hindi naman ito dapat lagyan ng kulay dahil mahaba pa ang itatakbo ng serye and for sure, the comebacking actor will his moments too.

Kapansin-pansin na mas may lalim ang acting ngayon ni Diet at hinihinalang ito ay dahil sa mga hirap na dinaanan niya sa relasyon nila ni Kristine Hermosa.

Aminado naman ang aktor na talagang may mga pinagdaanan siya nitong mga nakaraang panahon na hindi raw alam ng tao dahil hindi naman niya ito ipinakita.

Basta sa ngayon ay naka-recover na raw siya pero hindi pa rin ready na magmahal ulit.

Halaw sa panulat ni Vinia Vivar sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar