Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 8, 2008

DIANA ZUBIRI, AYAW KAY MARVIN AGUSTIN DAHIL MAY ANAK

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News
DIANA ZUBIRI, AYAW KAY MARVIN AGUSTIN DAHIL MAY ANAK


KAALIW interbiyuhin si Diana Zubiri! Sa preskon ng Gaano Kadalas Ang Minsan ng GMA-7, very candid ito sa pagsagot sa mga intriguing questions sa kanya.

Dahil si Marvin Agustin ang leading man nila ni Camille Prats sa GKAM at nali-link sa kanya ang aktor buhat nang mag-swimming siya sa pool sa bahay nitech sa White Plains at nag-iwan siya ru'n ng bikini or bathing suit, may possibility ba na maging sila ni Marvin in real life?

"Ayoko pong magsalita nang tapos. Pero kasi ngayon, kino-konsider ko na kung magkakaroon ulit ako ng relasyon, ayoko na po 'yung may sabit. I mean, merong anak," prangkang sagot nito.

E, 'di walang chance si Marvin, if ever?

"'Yun nga po, ayokong magsalita nang tapos. Pero hindi ko naman po isinasarado 'yung pinto ko."

"'Yun nga po, e, kasi galing na ako ru'n. Masakit po 'yung nangyari. Mahirap. Single dapat. Kasi siyempre, mas priority ka. Hindi ko naman masasabi na hindi ako priority before pero mas hundred percent kasi ang puwedeng ibigay sa'yo kung single 'yung guy, e," esplika ni Diana.

Well, kunsabagay, may katwiran ang katwiran, tsuk!

Mas masarap kung wala kang kahati sa pagmamahal para wa 'ka sing ng awiting..."Gaano kadalas ang minsan mo akong saktan...singdalas na rin ng dami ng bituin, wari'y walang hanggang...tsuk!

Si Diana ang gaganap sa role na ginampanan noon ni Hilda Koronel sa pelikulang Gaano Kadalas ang Minsan with Vilma Santos at ang yumaong aktor na si Dindo Fernando.

Halaw sa panulat ni Mercy Lejarde sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: