BLIND ITEM: MAY bagong apple of the eye and kontrobersiyal at rich gay lawyer. Ang haba talaga ng buhok niya at Pang-Miss Universe ang beauty! Matuk mo, 'yung guwapong young actor na produkto ng artista search ay latest na pabalik-balik daw at nagpupunta sa bahay niya?!

"Ganoon na ba talaga siya, friend? Bumigay na siya talaga sa bading dahil madalang ang project? Akala ko, pangmatrona lang siya dahil may girlfriend siya na mas may edad sa kanya?" komento ng aming spy.

Ilang beses na ring natsismis ang young actor na nagpba-book sa gay. Nalunod na raw ito sa sistema ng pagbibigay ng panandaliang-aliw.

"Nagustuhan siya ng gay lawyer dahil hindi lang matangkad at guwapo kundi bibung-bibo pa," say pa ng aming source.

'Yun na 'yun!

Halaw sa panulat ni Roldan Castro sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar