Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 29, 2008

Dedma kahit maraming kontra...DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA, GINASTUSAN NI KUYA GERMS PARA MAPASAMA SA WALK OF FAME

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Dedma kahit maraming kontra...DINGDONG DANTES AT MARIAN RIVERA, GINASTUSAN NI KUYA GERMS PARA MAPASAMA SA WALK OF FAME












MISMONG ang tinaguriang Mastershowman na si German Moreno ang nagkumpirma sa ilang press people na siguradong-sigurado nang pasok sina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa fourth batch ng mga artistang mapapasama sa Walk of Fame-Philippines sa Eastwood Center, Libis.

Pasok na rin sina Claudine Barretto, Gina Alajar, Dulce, ang yumaong dramatic actor na si Dindo Fernando, ang comedy trio at Eat...Bulaga! hosts na sina Tito and Vic Sotto and Joey de Leon, ganoon din ang QC Vice Mayor na si Herbert Bautista at ang dating That's Entertainment member at ngayon ay Manila Vice-Mayor na si Isko Moreno.

Ang special event na dadaluhan ng bagong batch ng Walk of Fame inductees ay tentatively scheduled sa last week of November or early December. Pinag-iisipan pa ni Kuya Germs kung sino ang karapat-dapat na panglabindalawang artista sa batch na ito.

Para naman sa mga kumukuwestiyon kung anu-ano ang criteria sa pagpili ni Kuya Germs sa mga artistang may "K" nang isama sa Walk of Fame-Philippines tulad nina Dingdong at Marian, well, isa lang ang naging kasagutan ng Mastershowman, "Sa tinagal-tagal ko na sa showbiz, alam ko kung sino ang mga artistang may mga narating at achievements na nakamit. And besides, ako naman ang gumagastos sa project na ito ay wala akong hinihinging kapalit."

Halaw sa panulat ni Erlinda Rapadas T. sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: