Ano ang mas pinapanood ninyo?

Tuesday, July 15, 2008

Daig pa ang nag-doorbell, ...GUWAPO AT MATANGKAD NA AKTOR PINANDIDIRIHAN NG MGA KOLEHIYALA DAHIL MADILAW NA ANG NGIPIN, TADTAD PA NG TINGA!!!

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Daig pa ang nag-doorbell, ...GUWAPO AT MATANGKAD NA AKTOR PINANDIDIRIHAN NG MGA KOLEHIYALA DAHIL MADILAW NA ANG NGIPIN, TADTAD PA NG TINGA!!!











BLIND ITEM: BIGLANG nawalan ng gana ang ilang kolehiyala sa gusto pa naman sana nilang batang aktor nu'ng minsang makita nila itong nag-iikot sa isang mall kasama ang kanyang mga kaibigan.

Ang mga kolehiyala pa naman, langkay-langkay sila kung humanga, kung sino ang usong artista ay du'n sila, ang mga kolehiyala rin ang klase ng mga tagahangang nanonood ng sine at concert, gumagastos talaga sila.

Ayon sa aming source, "Siyempre, nu'ng makita nila si ____ (pangalan ng guwapo at matangkad na aktor), kinilig sila, nagpapansin, gusto nilang magpakuha ng picture.

"Nagtutulakan pa ang mga girls kaya nu'ng makita sila nu'ng young actor, siya na mismo ang lumapit sa mga babae, siya na ang nagyaya sa mga babae na magparetrato sila.

"Pagkatapos ng picture taking, konting kumustahan muna, tinanong ng young actor kung saan sila nag-aaral. Nakipagkuwentuhan naman sa kanya ang mga kolehiyala, kinikilig ang mga hitad, dahil nakita nga naman nila ang young actor na gusto nila," simulang kuwento ng aming source.

Pero nagkaroon ng problema, biglang tinabangan ang mga babae sa young actor, ang isa sa grupong nakatsikahan ng young actor ay mismong pamangkin ng aming impormante.

"Nakita kasi nila 'yung ngipin ni _____ (ang guwapo at matangkad na aktor), sobrang naninilaw, may mga duming nakasingit sa teeth niya na manilaw-nilaw na ma-orange-orange.

"Alam naman nilang buung-buo ang teeth nu'ng young actor, napapanood siya sa TV at hindi naman puwedeng ipagkaila na maganda ang set of teeh niya lalo na kapag close-up ang mga shots niya.

"Siguro, kumain siya ng junk food na cheese flavor, pagkatapos niyang kumain, wala na siyang pakialam na rumampa. Hindi man lang siya nagpunta sa CR para tingnan kung ano ang naiwanang alaala ng junk food na kinain niya sa kanyang ngipin.

"Hindi man lang siya gumamit ng toothpick, basta pinabayaan na lang niyang ganu'n ang teeth niya, naninilaw at meron pang mga singit-singit na dumi na nakita tuloy nu'ng mga girls.

"Ayun, tuloy, ayaw na sana nu'ng mga babae, ipinagkalat pa nila sa mga friened nila na hindi pala maganda ang kanyang hygiene, hindi pala siya malinis sa katawan, kaya ibang young actor ang gusto na nila ngayon.

"Ang mga artista pa naman, wala silang karapatang dumumi, parang ang laki-laking issue na para sa kanila ang makitang marurumi ang kuko at ngipin nila, nakakalungkot naman," napapailing pang sabi ng aming source.

Kung tawagin ngayon ng mga kolehiyala ang matangkad at guwapong aktor ay leader ng "yello army" kasi nga ay naninilaw ang kanyang mga ngipin nu'ng makatsikahan ng mga kolehiyala, samantalang buung-buo naman ang kanyang mga ngipin at nangingislap pa sa kaputian sa telebisyon.

May kapangalang singer ang young actor na ito, kapag pinindot natin ang isang bagay ay katunog ng kanyang pangalan ang ingay na lumalabas, may mauupo pa kaya ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Halaw sa panulat ni Cristy Fermin sa kanyang column sa Diyaryong Bulgar

No comments: