Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 24, 2008

Cristine Reyes says no need to officially admit Dennis Trillo is her boyfriend

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Cristine Reyes says no need to officially admit Dennis Trillo is her boyfriend
Cristine Reyes says no need to officially admit Dennis Trillo is her boyfriend

Dumalaw ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa office ng PETA (People for Ethical Treatment of Animals) sa E. Rodriguez Ave., Quezon City, kunsaan ginagawa ang taping ng Eva Fonda na pinagbibidahan ni Cristine Reyes. At dito'y maraming isiniwalat ang younger sister ni Ara Mina tungkol sa real score ng relasyon nila ni Dennis Trillo.

"Lagi akong umiiyak," simula ni Cristine sa PEP. "Kasi sa mga eksena ko rito sa Eva Fonda, lagi akong umiiyak, e," patuloy naman niya na sa role niya pala sa pinagbibidahang teleserye ang tinutukoy niyang pag-iyak.

Pero sa kasalukuyang love life kaya niya, hindi ba siya takot na umiyak ulit at masaktan?

"Siyempre okey lang umiyak, dahil doon mo lang mare-release ang emotions mo, hindi ba? Kaysa naman po manugud-nugod ka or magsisira ng mga gamit, e, di umiyak ka na lang."

Nanugod na ba siya ng babae? "Hindi pa po."

Hindi ba siya nag-aalalang kay Dennis ay iiyak siyang muli?

"Nag-aalala?" balik-tanong niya habang iniisip mabuti ang sasabihin. "Kasi po, lahat naman po ng relasyon, hindi ba kasama iyong pag-iyak?"

So, ready na ba siya sa kung ano mang mangyayari?

"Opo, ready naman ako," matipid na sagot pa ni Cristine.

COMPLICATED. May tsismis na ginagamit daw ni Carlene Aguilar ang anak nila ni Dennis para mapalapit muli ito sa aktor dahil tipong gusto raw nitong makipagbalikan dito, ano ang masasabi niya rito?

"Ano... ahh... ano bang sasabihin ko..?" paiwas na reaction ng tisay na young actress, habang naghahagilap ng masasabi.

"Siyempre po, naiirita," bantulot na saad niya nang mapansing naghihintay kami ng kasagutan sa aming pag-uusisa. "Pero, ayoko po sanang pag-usapan si Carlene..." dagdag pa ni Cristine na this time ay pinipigilan na ang mapaiyak.

Pero, wish kaya niya na sana ay hindi kumplikado ang love life niya o ang relasyon nila ni Dennis?

"Opo, siyempre. Lahat naman ng babae ay gusto na mapayapa yung relasyon nila, e," wika pa ni Cristine na halatang tinitimbang pa rin ang mga salitang sasabihin.

Kumusta ba ang status ng pagdalaw ni Dennis sa anak nito? Totoo bang limitado ang oras ni Dennis para makita nito ang anak?

"Nakikita naman po niya yung anak niya. Bumibisita siya sa bahay nina Carlene at saka anytime naman po ay welcome naman yata siya sa bahay nina Carlene para bisitahin ang anak niya."

Tinanong ng PEP kay Cristine kung naiinis ba si Dennis na hindi nito mailabas o mahiram man lang ang anak nito.

"Hmmm...Hmmm... opo... naiirita rin si Dennis," bantulot na sagot pa rin niya.

IS IT OFFICIAL? Balik sa relasyon nila ni Dennis, lantad na lantad na ba, as in wala nang hiyaan?

"Hindi naman po yung sobrang lantad talaga, discreet lang. Tipong, ayaw lang kasi namin na masydo kaming iniintriga ng mga tao, lalo na kapag magkasama kami. Siyempre, kahit naman sinong tao, ayaw ng pinapakialaman ng ibang tao, di ba?"

So, ang lagay, ang PEP pala ayaw niya kasi nakikialam sa relasyon nila ni Dennis?

"Ha-ha-ha-ha! Hindi po, okey lang po," nakatawang saad pa ni Cristine.

Pero, mas madalas na sila ngayong makitang magkasama, hindi tulad ng dati na talagang patago.

"Open naman po talaga kami, kasi wala naman kaming dapat itago. And... hindi naman namin itinatago ang relasyon namin, dahil kung itinatago namin, hindi kami lalabas-labas. Ang ayaw lang po namin yung pinakikialaman kami ng iba."

Pero umamin na ba siya officially na boyfriend na niya si Dennis?

"Hindi pa nga po officially, pero ganoon na rin po iyon, hindi ba? I mean, hindi na kailangang aminin yung mga ganoong bagay dahil ayoko rin yung ibubulgar pa na, ‘Ay, kami na,' ganoon... Mas gusto ko kasi yung tahimik lang."

THE INCIDENT IN K. So, after ba noong insidente sa K, The 1 Million Videoke Challenge with Carlene, kunsaan nagkaroon ng tensyon dahil sinimplehan siyang kausapin ni Carlene, nag-cool off ba sila ni Deniis dahil doon?

"Kasi po noong mga time na iyon, dumidistansiya talaga ako. Kasi po, gusto ko na maayos muna iyong mga bagay-bagay sa kanila. Pero, may bagay na hindi ninyo talaga mapipigilan kung gusto ninyo iyong isa't isa, kahit pa sino pa ang magsasabi na hiwalayan mo or what...ganyan-ganyan."

Last Valentine's Day, nakita silang nag-date ni Dennis. Ito ba yung unang pagkakataon na nagkita uli sila ni Dennis after ng insidente with Carlene?

"Hindi po, kasi after noon [the incident with Carlene] nagkikita pa rin kami ni Dennis, e. Hindi naman nawala yung communication namin, e."

LOVE IS ALL THAT MATTERS. Happy ba siya sa love life niya ngayon?

"Opo," nakangiting saad pa niya.

Paano ba niya ide-describe ang relasyon nila ni Dennis?

"Paano ba? Kasi, kahit ano pa ang dumaan na intriga, basta nagmamahalan ang dalawang tao, hindi mo ito masisira. Kahit gaano pa kalaking intriga iyan, basta nagmamahalan ang dalawang tao, walang makakasira roon.

"Kasi, basta mahal ninyo ang isa't isa, iyon ang pinakamahalaga. Basta nandoon iyong love, iyon ang pinakaimportante. Basta nandoon iyong love, magkaka-intindihan na kayo, e," pagtatapos na ni Cristine.





Source: PEP

No comments: