Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 28, 2008

Claudine Barretto nag-two-piece sa ‘Iisa Pa Lamang’


Claudine Barretto nag-two-piece sa ‘Iisa Pa Lamang’

HINDI naging mahirap i-convince si Claudine Barretto na magsuot ng two-piece bathing suit sa isang eksena sa Iisa Pa Lamang. Ang naging request lang ng aktres ay bigyan siya ng ilang araw para mag-lose pa ng kaunting weight.

Ito ay para sa eksena kung saan nag-declare na ng paghihiganti si Catherine sa mga nang-api sa kanya. Simula na ito ng matinding conflict sa nasabing ABS-CBN teleserye.

Last week ay natuloy nang kunan ang eksena. Nagulat ang IPL cast and crew sa kaseksihan ni Claudine. Malaki ang nawalang weight dito. Kaya raw pala sa set ng IPL ay halos hindi kumakain ang aktres.

Love talaga ni Claudine ang comeback teleserye niya. Lahat gagawin niya para rito. Ang nasabing eksena ni Claudine na naka-two piece swimsuit ay mapapanood ngayong gabi sa Iisa Pa Lamang.


JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

No comments: