Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 14, 2008

Claudine Barretto at Angel Locsin issue, iba-iba ang bersyon

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Claudine Barretto at Angel Locsin issue, iba-iba ang bersyon

May isyu ngayon kina Claudine Barretto at Angel Locsin.

How true, may hindi raw pinagkakaunawaan ang dalawang lead actresses na ito ng Dos?

Iba’t ibang bersyon ng mga kuwento ang lumalabas ngayon kaugnay sa insidenteng kumprontasyon daw nina Angel at Claudine.

Ayon sa balita, sa isang parlor ito naganap, pero may kani-kanyang bersyon ng kuwento ayon sa kung kanino kampi ang mga naglalahad ng istorya.

Kung kami ang tatanungin, hindi naman siguro magagawa ni Claudine ang manita at higit pa ang makaramdam ng insecurity sa puntong ito ng career niya ngayon.

She’s so blessed. Siya lang ang masasabing may binabalikang proyekto sa Dos kahit ano ang mangyari. Home grown talent siya, eh.

Ganoon din kay Angel, hindi rin naman siguro gagawa ng isang bagay ang aktres na ito kung alam niyang malalagay siya sa alanganin.

Masasabi naming alam ni Angel ang kanyang kinalalalgayan -- na bago pa lang siya sa Dos kung kaya kailangan niyang magpakabait. Sa tingin namin ay marespetong bata itong si Angel. Pero wala rin naman siyang inuurungan ‘pag kailangan na niyang lumaban.

Ngayon, marami tuloy ang curious kung ano talaga ang totoong naganap sa pagitan nina Angel at Claudine.

Hangga’t hindi nagsasalita ang dalawang aktres kung ano talaga ang tunay na nangyari sa pagitan nila, puro espekulasyon lang ang tanging iikot sa kuwentong ito.

Malamang, by now ay inaayos na rin ito ng mga tao sa paligid nina Claudine at Angel, nang sa ganoon ay huwag na itong lumaki pa.

To begin with, wala naman kasing dapat pag-awayan dahil pareho silang may kani-kanyang space under the sun. Kumbaga, enjoy while it lasts.

No comments: