Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 16, 2008

Claudine at Angel, pinagaayos ng ABS-CBN

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Claudine at Angel, pinagaayos ng ABS-CBN

LUMAKI na at pinag-uusapan ang inilabas kong blind item tungkol sa away ng dalawang kila­lang aktres.

Ang ibang naglabasang balita ay tinukoy na sina Claudine Baretto at Angel Locsin iyun pero parehong tahimik ang dalawa at hindi na ito ibinalita ng ABS-CBN 2.

Nakumpirma ito nang magsalita si Gretchen Barretto sa presscon ng Maalaala Mo Kaya na talagang may nangyaring awayan kina Claudine at Angel.

Mahirap itanggi ito dahil maraming nakasaksi sa shop ni Pin Antonio nang kinumpronta raw ni Claudine si Angel at sinabihan pa raw ito ng, “Hindi ikaw ang prinsesa sa ABS, si Bea (Alonzo).”

Iba-iba ang mga nakuha kong kuwento kaya mahirap maglabas ng totoong nangyari.

Merong nagsasabing hindi raw inaway ni Angel si Claudine at wala raw itong sinabing masama laban sa aktres.

May mga nagkuwentong matagal nang irita si Claudine kay Angel na lalong lumala nang mapunta ang Folded and Hung kay Angel pagkatapos makapag-pictorial ni Claudine para sa billboard nito.

Mahirap mag-spe­culate pero ang matitiyak lang natin ay merong nangyaring away sa dala­wang aktres at naalarma na raw ang ABS-CBN dito.

Ang latest na narinig ko, ginagawan na raw ng paraan ng ABS-CBN 2 na pag-ayusin ang dalawa.

Nu’ng Martes nang gabi ay may miting na raw sila kay Angel at sa ma­nager nito pero wala pa si Claudine.

Isa sa mga araw na ito ay baka pagharapin daw ang dalawa para maa­yos na.

Sana nga, maayos, dahil hindi magandang tingnan ang ganung iri­ngan sa iisang TV network.

ABU TILAMZIK
Abante Tonite

No comments: