Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 16, 2008

Chris Tiu, may bagong primetime show

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Chris Tiu, may bagong primetime show

DUMALAW kami sa set ng Pinoy Records noong Martes nang umaga sa Filmex studio, kung saan nag-celebrate ng kanyang birthday ang co-host ni Manny Pacquiao na si Chris Tiu.
Maaga pa lang ay aligaga na sa pag-aayos ang tatlong catering company ng buffet table, mga upuan at mesa para pagdating ng celebrator ay handa na ang lahat.
Walang espesyal na bisita si Chris dahil ang alam niya ay isang ordinary taping day lang ito ng Pinoy Records.
Gulat na gulat si Chris sa animo’y engrandeng party na magaganap sa taping na iyon.
Hindi nakarating si Manny Pacquiao dahil sa araw na iyon ay may sari­li itong celebration sa General Santos ng kayang pagkapanalo sa katatapos na laban kay David Diaz.
Sa birthday ng star player ng Ateneo Blue Eagles ay abalang-abala si Chris sa taping ng Wish Ko Lang (kung saan dumating ang nag-wish na makita siya) at sa interview niya para sa News & Current Events ng GMA 7.
Sobra ang kasiyahan ng mga magulang ni Chris na dumaan sa nasabing taping sa Filmex.
Hindi nila sukat akalain na isang celebrity na ang kanilang panganay na hanggang ngayon ay hindi nakikitaan ng kaya­bangan.
Si Chris ay mula sa isang buena familia na saradong Opus Dei at pinalaki ng kanyang mga magulang sa pagiging conservative.
Guwapo at bata pa ang ama ni Chris, samantalang maganda at bata pa rin ang kanyang ina na kahawig ni Andrea Bautista YƱares.
Parang kapatid lang ni Chris ang kanyang ina.
Pwedeng maging endorser ng beauty products ang ina ni Chris na flawless ang kaputian.
Nang maging host si Chris ng Pinoy Records ay marami ang nakapansin sa kakisigan niya.
Unti-unting dumating ang mga produktong kumuha sa kanyang serbisyo bilang endorser.
Dahil sa popularity niya bilang TV host at sportsman ay may bagong programang ibibigay sa kanya ang GMA 7.
Ito ay isang primetime show na malapit nang mag-umpisa.
Syanga pala, tampok sa Pinoy Records sa Sabado ang isang Pinoy na naging basketball coach to the stars sa Amerika.



No comments: