Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 30, 2008

Chika Minute: Joey de Leon disputes report Eat Bulaga! LA show a flop

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Chika Minute: Joey de Leon disputes report Eat Bulaga! LA show a flop

Hindi magsisinungaling ang video.

Pahayag ito ng itinuturing “entertainment guru" ng Pilipinas na si Joey De Leon kaugnay ng mga intrigang hindi naging successful ang ginawang show ng Eat Bulaga! sa Los Angeles sa US kamakailan.

“Ganito na lang sa Sabado ipapalabas namin yun L.A. show (sa Eat Bulaga). Ewan ko nga ba yung iba… kami ipinapakita namin yun (ang) iba nga dyan hindi nila maipalabas," pahayag ni Joey sa Chika Minute portion ng 24 Oras nitong Miyerkoles ng gabi.

Kung tutuusin ay hindi na umano nais patulan ni Joey ang nasabing intriga hanggang sa mabasa nya ito sa isang tabloid na sister publication ng broadsheet newspaper kung saan mayroon siyang column.

“Well sabi ng iba sa Amerika ba’t yun mga nagsusulat na naninira bakit hindi sila humingi ng mga diaryo sa LA nang mga linggong yun at sila ang magpatunay, o kaya panuorin nya sa Sabado," pahayag pa ng host.

Sa ulat, sinabing kasama ang GMA News sa nagkober sa Grand Fiesta Show ng Eat Bulaga sa LA kung saan dinagsa at pinagkaguluhan ng mga tao ang host at mga bisita niya.

Kabilang sa mga guest ng Eat Bulaga ay ang pinakamainit na tambalan ngayon na sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ng “Dyesebel" show sa Kapuso Network at ang real life na mag-sweetheart na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

“Kasi OK lang ang journalism na magtirahan. Pero kung maninira ka na wala ka naman dun at hindi ka nanonood… kahit ano pa kung kakampi ka pa… ‘wag kang magsisinungaling," pagdiin ni Joey.

Inihayag din ni Joey na magre-resign na siya bilang columnist ng broadsheet newspaper dahil lumabas nga ang nasabing intriga sa sister publication nito na isang tabloid newspaper

No comments: