Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Channel 5 interesado kay Diether Ocampo

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Channel 5 interesado kay Diether Ocampo

Diether Ocampo


Nasa Los Angeles si Kristine Hermosa noong July 19, birthday ni Diether Ocampo, pero tumawag ito para batiin ang ex. Wala pa itong regalo sa actor na sinabing sapat ng regalo ang presence ng actress kung narito ito.

Kasama si Diether sa 24 cast ng One Night Only na binanggit ni direk Joey Reyes at tinatapos din nito ang indie movie na Rakenrol. Hindi siya aware na gusto siyang hiramin ng ABC-5 sa ABS-CBN para sa isang show. Saka, hindi rin naman yata siya ipahihiram ng Ch. 2 at on going pa ang Iisa Pa Lamang.

Ang mga nabanggit na project ang sinasabi ni Diether na blessings sa kanya, kaya kahit wala siyang lovelife at ilang buwan na raw siyang celibate, masaya pa rin siya sa kanyang buhay. Friend lang daw niya ang babaing nakita ni Rey Pumaloy na kasama niya sa Gazebo ng Gateway Mall kamakailan, pero ayaw niyang pag-usapan.

Nagpapasaya sa actor ang involvement niya sa K.I.D.S. Foundation na sa birthday blowout niya sa press lang namin nalamang galing sa kanya ang P1 million seed money. In fact, ang pinakama­gan­dang birthday gift na natanggap niya’y isang home­made card ng batang may cancer at tinutulungan ng kanyang foundation.

No comments: