Ano ang mas pinapanood ninyo?

Wednesday, July 23, 2008

Buo ang tiwala ni Raymart kay Claudine

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Buo ang tiwala ni Raymart kay Claudine
Written by Archie de Calma
Reymart and Claudine @ Veritas

ANG AKALA NGA namin, itong si Claudine Barretto ay malilimitahan sa kanyang pagpapakaaktres sa pagpapakasal nito kay Raymart Santiago. Ang akala rin namin, si Raymart ang tipo ng asawang ang gusto sa kanyang misis ay 'yung papag-asikasuhin na lang ito ng pamilya dahil may tendency na maging seloso ito.


Pero, hindi ganoon ang nangyayari. Si Claudine, pagkatapos na isilang niya si Santino ay nagpasyang magbalik agad sa trabaho. Nagpahinga lang ito ng ilang buwan, pero kapansin-pansin na walang ipinagbago sa pagganap nito. Roon nga sa Maligno na isang natapos na teleserye ni Claudine, may pagka-daring ang dating ng rape scene nila ni Rafael Rosell.
Ngayon lang sinabi ni Claudine na gumamit ng body double sa eksenang 'yun. Kaya walang naging isyu sa kanila ni Raymart. Dito naman sa Iisa Pa Lamang, ang bagong teleserye ng ABS-CBN na nagtatampok kay Claudine, she's being paired with Gabby Concepcion and Diether Ocampo. Tiyak daw na magkakaroon si Claudine ng kissing scenes sa kanyang dalawang leading men.


Pero, ayon kay Claudine, wala raw magiging problema kay Raymart. In fact, sa sobrang tiwala ni Raymart, hindi na nagtatanong pa ito ng mga ginagawa ni Claudine sa set. Malaking bagay nga raw 'yung nagmula sa pamilya ng mga artista si Raymart kaya malawak ang pang-unawa ng mga ito sa posisyon ni Claudine bilang pangunahing aktres, at naiintindihan din siyempre ito ni Raymart.
Naniniwala kaming mahal na mahal ni Raymart si Claudine. Kung ibang lalaking taga-showbiz lang 'yan, hindi nila papayagang masangkot pa ang misis nila sa ganoong mga eksena with other leading men. Isa pa, sa katayuan ni Claudine, naniniwala kaming walang kapupuntahan ang pag-aartista niya kung mapipigilan ang growth niya bilang aktres sa mga mai-impose na restrictions.


Meanwhile, hindi namin nagugustuhan ang mga isyu tungkol sa bangayan daw nina Claudine at Angel Locsin. This leaves a bad taste in the mouth, lalo na't lumalabas na pareho silang mapagpaniwala sa mga sinasabi ng kung sinu-sino sa paligid nila.


Mga kuwentong beauty parlor lang naman ito, pero pinatulan din kasi nila. Sa totoo lang, parehong hindi nakatutulong ito kina Claudine at Angel gayong Kapamilya nga dapat ang turingan nila.


Source: Pinoy Parazzi

No comments: