Ano ang mas pinapanood ninyo?

Thursday, July 24, 2008

Bong at Edu, nagdedmahan

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Bong at Edu, nagdedmahan


Hindi lang stars at pamilya ni Mang Dolphy ang dumalo sa birthday celebration nito nu’ng nakaraang Miyerkules kundi pati mga pulitiko.

Ilan sa sidelights na namataan namin doon ay ang isnaban nina Sen. Bong Revilla Jr. at Edu Manzano.

Halos magkatapat lang sila pero talagang hindi sila nagpansinan.

Maaaring nagpakiramdaman lang sila kung sino ang unang babati.

Kausap ni Sen. Bong sina Sen. Mar Roxas at Korina Sanchez nang dumaan sa kanila si Edu dahil natapunan ng wine ang polo nito kaya umalis sandali para magpalit ng damit.

Ang magkasintahang Sen. Mar at Korina lang ang kinausap ni Edu at dedma lang siya kay Sen. Bong.

Parang wala ring nakita si Sen. Bong nang dumaan ang OMB Chairman na nasa ilalim pa naman ng komite ng natu­rang senador.

Sumaglit din doon si Nanette Medved na parang hindi nagbago ang itsura kahit may dala­wang anak na ito.
Nakakatuwang ting­nan nang magkita roon ang dating mag-asawang Eula Valdez at Ronnie Quizon.

Madalas daw silang nagkikita at talagang friends na raw sila. Masaya siyempre ang binatang anak nilang si Miguel dahil magkasama ang magulang niya.

Abangan bukas sa Startalk ang mga ganitong eksena!

BU TILAMZIK
Abante Tonite

No comments: