Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 14, 2008

Blind Item: Mommy ng singer, sobrang maldita

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Blind Item: Mommy ng singer, sobrang maldita

Ang dami-daming kuwentong nakararating sa amin ngayon tungkol sa paglaki ng isang magaling na batang singer. Mas nakalalamang ang awa sa istorya kesa sa paninira, awang-awa ang aming mga impormante sa young singer, mabuti naman daw at naging mabait sa kanya ang kapalaran ngayon.

Pero habang pinupuri nila ang batang singer ay galit naman ang mga ito sa kanyang ina, puro granatsa lang daw sa buhay ang alam ng mommy ng young singer, kaya ang kanyang lola na ang nagpalaki sa kanya.

“Parang nakikinita ko na ngayon kung gaano kasaya ang mommy niya dahil sunod ang lahat ng layaw niya ngayon, ito ang buhay na gusto niya, pabiyahe-biyahe lang siya, parang dalaga pa rin kasi ang feeling ng babaeng yun sa sarili niya, e!” simulang kuwento ng aming source.

Hindi kagandahan ang imahe ng nanay ng batang singer sa kanilang mga kapitbahay, nakita raw kasi ng mga ito ang paglaki ng magaling na young singer, ang kanyang ina ang sinisisi ng mga ito.

“Maldita ang mommy niya, walang kapwa-tao, kahit nung dalaga pa siya, feeling niya na talaga, e, napakaganda niya! Suplada siya, parang ayaw niyang makisalamuha sa mga kapitbahay namin, mga taga-ibang bayan ang mga kaibigan niya.

“Nakita namin ang paglaki ni _____(pangalan ng batang singer), mapalad siya at meron siyang kapa­milyang nagmamalasakit talaga sa kanya, ang lola na niya ang nagpalaki sa kanya.

“Madalas silang mag-away ng asawa niya, galit-bati ang drama nila, kaya parang nagkaroon din ng trauma sa mga awayan ang batang yun, e. Makarinig nga lang siya ng mga sigawan nung bata pa siya, parang ninenerbiyos na siya, nakakaawa ang batang yun,” kuwento pa rin ng aming impormante.

Noon pa ay parang nakikinita na ng kanilang mga kapitbahay na magiging maganda ang kapalaran ng batang singer, ang kanilang katwiran, laging mabait ang Diyos sa mga batang nangangarap at nagsisikap.

“Nung bata pa kasi siya, palagi siyang laman ng mga amateur contests, kahit saang lugar pa yun at kahit gaano pa kalayo, talagang bumibiyahe silang maglola para lang siya makasali.

“Palagi naman siyang nananalo dahil talagang magaling siyang kumanta, emotional siyang kumanta dahil siguro, naaapektuhan siya sa mga nangyayari sa pamilya nila.

“Kaya ngayong sikat na siya, we’re so happy for her, ipinagmamalaki namin siya kahit kanino, sinasabi namin na nung bata pa siya, kasa-kasama lang siya ng mga anak namin.

“Mabait ang batang yun, very humble siya, huwag lang sana siyang ma-influence ng mommy niya na kahit noon pa, e, masyado nang maldita. Kung nung walang-wala pa nga lang sila, e, may kasupladahan na ang babaeng yun, di lalo na ngayong may name na ang anak niya?” kuwento pa rin ng aming source.

Kailangan pa ba naman naming magbigay ng clue para mahulaan n’yo lang kung sino ang batang singer na ito?

Ayaw nina Celine Dion at Mariah Carey ng mga ganung klase ng kuwento.

No comments: