Ano ang mas pinapanood ninyo?

Monday, July 14, 2008

Blind Item: Comebacking actor, nagkalat

JOKER DETOR
Showbiz Top i-News

Blind Item: Comebacking actor, nagkalat

Tampulan ng kuwento at panlalait ang isang comebacking actor nang magkalat siya sa taping ng isang TV show. Nabaliw ang mga staff at ibang cast ng show sa kapalpakan ng aktor. Matapos ang dalawan­g dekadang pamamahi­nga ni aktor sa pag-arte, luma­bas uli siya sa isang prog­rama.

May iba pa siyang kasama na nagbalik-showbiz. May make-up artist sa taping para sa kanilang mga comebacking actors. Hindi pumayag ang aktor na gawin ang kanyang make-up ng iba. Siya mismo ang nag-make up sa sarili niya.

Makaraan ang isang oras, ipinatawag na ang lahat para sa rehearsal. Lahat ng cast ay pasado sa rehearsal. Pumasok ang actor sa dressing room para i-retouch ang kanyang make-up. Makalipas ang 15 minuto, muling tinawag ang mga comebacking actors para sa take ng kanilang eksena.

Nagkanda-buckle-buckle si actor sa kanyang linya.

Nag-take uli para sa parehong eksena pero hindi nakuha ni actor ang dialogue.

Nakakalimutan niya ang linya. Para matapos na ang eksena, pinalitan na lang ang part na hindi mabigkas ni actor. Nang mag-roll uli ang camera, muling nag-buckle si aktor. Paulit-ulit ang pagkakamali ni aktor. Dapat sana’y mara­ming eksena ang makukunan nang araw na iyon pero dahil sa mga pagkakamali ni aktor, tatlong scenes lang ang nai-tape.

Hindi pwedeng tanggalin ang eksena ni actor dahil vital part ‘yun sa kuwento. Hindi rin puwedeng sibakin sa cast si aktor dahil nahihiya ang buong production sa kanya. Iniisip na lang ng mga nakasaksi ng kapalpa­kan ni aktor, nasobrahan ng kaba si actor kaya na-pressure ito.

Pero isa sa mga kaeksena ng aktor ang nakapansin sa magandang make-up nito. Sey ng aktres, talbog siya ni actor sa contour na pagkakaayos ng make up. Obviously, ang gustong tukuyin ng aktres ay ang nababalitang pagi­ging bading ni actor.

REY PUMALOY
Abante Tonite

No comments: